Crime rate sa Pinas, pabababain pa ni Acorda!

TINITIYAK ni PNP chief Gen. Benjamin Acorda Jr. na lalong mapapababa pa ang crime rate sa Pinas kapag nagkaisa at nagtulungan ang kapulisan at local government units (LGUs) sa pakikibaka laban sa kriminalidad. Iniulat kasi ni Acorda na bumaba ng 10.9 percent ang index crimes sa bansa mula Enero hanggang May 13. Kaya nanawagan si Acorda sa League of Municipalities of the Philippines (LMP) na susugan ang kanyang 5-point programs para makamtan ang primary goal ng PNP “of a safer and more secure Philippines.” Mismooooo!

Si Acorda ay binigyang-parangal sa”Pammadayaw” event sa kanyang hometown sa Bacarra, Ilocos Norte nitong Lunes kung saan nagtipon ang mga LMP members at mga lokal na pulitiko. Nagbigay-pugay si Acorda sa LGU ng Bacarra na pinamumunuan ni Hon. Nicomedes dela Cruz Jr., at mga kababayan niya na hindi nakalimot na suportahan siya sa kanyang paglakbay sa PNP. Binigyan diin din ni Acorda ang importansiya ng community partnership at intelligence gathering tungo sa ikatagumpay ng police operations. Eh di wow! Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Hinikayat din ni Acorda ang LMP na suportahan ang kanyang mga programa para maging matagumpay ito at mapuksa ang mga criminal at drug syndicates. “I believe that by focusing on these priorities, we can build a stronger, more effective, and more responsive PNP,” ani Acorda.  “But we cannot do this alone. We need the support and cooperation of our partners in local government, civil society, and the private sector. And that is why I am calling on the League of Municipalities of the Philippines to join us in our commitment to implementing these programs”, ang giit pa ni Acorda. Mismooooo! Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Sa kanyang ulat, sinabi ni Acorda na ang crime rate sa Pinas mula Enero hanggang May 13, 2023 ay sa 13,469 na kaso na mas mababa ng 10.59 percent sa 15,064 na insidente sa kaparehas na petsa noong 2022. “This continuing decrease of incidents is attributed to the consistent implementation of numerous policies, such as intensified police visibility, intelligence-driven operations, community-based programs, strengthened partnerships with other agencies, and improved crime reporting and monitoring systems,” ani Acorda. Sa parte naman ng anti-drug operations ng PNP, umabot din sa 22,826 drug offenders ang naaresto at may kabuuang P5.68 bilyon na droga ang nakumpiska. Wow ha Dipugaaaaa!! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan, di ba mga kosa?

Nanawagan din si Acorda ng “Serbisyong Nagkakaisa”—na isang serbisyong publiko kung saan ang mga Pinoy ay sama-samang kikilos tungo sa pantay na pagkakaroon ng hustisya at proteksiyon sa lahat, anuman ang estado nila sa buhay. Nangako si Acorda na pangungunahan n’ya ang PNP “with honor, integrity, and dedication, and to working towards a safer, more prosperous and more united Philippines.” Abangan!

Show comments