^

Punto Mo

Promotion na walang kasamang mala­king ­increase sa sahod, ­puwede bang tanggihan?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Puwede ba akong tumanggi sa promotion kung sobrang bibigat po ang trabaho ko pero  kakapiranggot lang naman ang itataas ng sahod ko? —John

Dear John,

Ang promotion, ayon sa Coca-Cola Bottlers Philippines, Inc. v. Del Villar (G.R. No. 163091, 6 October 2010), ay ang pagsulong papunta sa isang panibagong posisyon na may mas malawak na mga responsibilidad at tungkulin kaysa sa dati. Hindi kailangang may kaakibat na increase sa suweldo ang promotion dahil ayon sa Korte Suprema sa kaso ng NAFLU vs. NLRC (G.R. No. 90739, 3 October 1991),  ang tanging mahalaga para masabing promotion ang iniaalok sa empleyado ay ang mga pagbabago sa kanyang mga tungkulin.

Hindi naman ibig sabihin ay hindi ka na makakatanggi sa isang proposisyon na hindi katanggap-tanggap para sa iyo. Ayon sa Echo 2000 Commercial Corp. v. Obrero Filipino-Echo 2000 Chapter-CLO (G.R. No. 214092, 11 January 2016), ang promotion ay maihahalintulad sa isang regalo o pabuya kaya may karapatan ang empleyado na tanggihan ito kung ayaw niyang ma-promote mula sa kanyang kasalukuyang posisyon.

Dahil may karapatan ka namang tumanggi sa promosyon, hindi dapat  ipagpalagay na insubordination o pagsuway sa utos ang pagtanggi sa promotion kaya hindi ka dapat patawan  ng displinary action o parusa para rito.

PROMOTION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with