^

Metro

Pulis-Maynila, inaresto sa pananapak ng traffic enforcer

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Pulis-Maynila, inaresto sa pananapak ng traffic enforcer
Mismong si Navotas City Police chief Col. Allan Umipig ang nanguna sa paghuli sa suspek na si MSgt. Ramos Guina na itinuturo ng traffic enforcer na si Mark Luzuriaga na sumapak sa kanya.
Facebook page

MANILA, Philippines — Isang pulis-Maynila ang inaresto ng Navotas City Police matapos na ireklamo ng isang traffic enforcer na kanyang sinapak noong Miyerkules.

Mismong si Navotas City Police chief Col. Allan Umipig ang nanguna sa paghuli sa suspek na si MSgt. Ramos Guina na itinuturo ng traffic enforcer na si Mark Luzuriaga na sumapak sa kanya.

Lumilitaw na pinara at  sinita ni Luzuriaga noong Miyerkules si Guina na noo’y namamasada ng tricycle na walang prangkisa.

Sinabi ni Luzuriaga na hindi niya alam na pulis si Guina dahil nakasibilyan ito habang  namamasada ng tricycle.

Dito ay tinakbuhan umano ni Guina si Luzuriaga kaya nagkaroon ng habulan na nauwi umano sa pananapak ng pulis sa nguso ng enforcer.

Ayon kay Luzuriaga, sinakal pa siya ni Guina, at nilabasan din umano nito ng baril ang kaniyang kasama.

Nang malaman ni Umipig na sinaktan ni Guina si Luzuriaga na unipormadong traffic enforcer, agad nitong inutos  ang pag-aresto sa pulis na nakasibilyan.

Bahagya pang nagkatensiyon nang tumangging magpaaresto si Guina at ayaw nitong ibigay ang sling bag niya na may baril.

Desidido umano si Luzuriaga na ituloy ang kaso laban sa pulis na nahaharap sa reklamong assault upon an agent of a person in authority.

Depensa ni Guina, pinagmumura umano siya ng enforcer habang pinapara siya nito.

Tiniyak naman ng tagapagsalita ng Manila Police District na si Major Philipp Ines, na hindi nila kinukunsinte ang nasa kanilang hanay kapag nakagawa ng pagkakamali.

ARRESTED

POLICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with