^

Punto Mo

EDITORYAL - Babala sa El Niño

Pang-masa
EDITORYAL - Babala sa El Niño

MARARAMDAMAN umano ang El Niño sa huling bahagi ng 2023 at magpapatuloy sa 2024. Ngayon pa lamang, nagbabala na ang pamahalaan na nag-uutos sa mamamayan na magtipid sa paggamit ng tubig.

Payo ni National Water Resources Board (NWRB) Executive Director Sevillo David sa mamamayan na huwag mag-aksaya at i-recycle ang tubig. Ayon kay David, base sa pagtataya ng PAG-ASA, 80 percent na mararanasan ng bansa ang El Niño bago matapos ang 2023 at magpapatuloy sa unang bahagi ng 2024. Una nang nagbabala si David noong Marso na kailangang magtipid sa tubig ang mamamayan dahil sa kahahara­ping El Niño. Huwag mag-aksaya at i-recycle ang tubig. Dapat tumulong ang publiko o consumers sa water management.

Maski si President Ferdinand Marcos nang magsalita sa isang pagtitipon noong nakaraang Marso ay nagbabala sa kahaharaping krisis sa tubig. Sinabi niyang seryoso ang problema sa tubig sa bansa. Hindi raw siya nananakot pero mahalaga raw ang pagtutulungan ng bawat isa sa problema sa tubig.

Noong nakaraang linggo, hinikayat ng MWSS ang Metro Manila Mayors na magpasa ng ordinance na naghihigpit sa paggamit ng tubig sa golf courses, car wash at swimming pools dahil sa unti-unting pagbaba ng tubig sa Angat Dam. Ang Angat ang nagsusuplay ng tubig sa Metro Manila. Ayon sa MWSS, kailangang limitahan ang mga negosyong gumagamit nang maraming tubig.

Totoo ang El Niño at hindi ito dapat ipagwalambahala. Naranasan ang bangis ng El Niño noong 1992 at 1998 kung saan grabeng naapektuhan ang agrikultura. Tinatayang P4 bilyon ang halaga ng napinsala sa agrikultura noong 1992 at P9 bilyon noong 1998. Grabeng tinamaan ng El Niño ang Mindanao.

Tama ang babala ng NWRB na magtipid sa tubig ang mamamayan. Pero mas magiging epektibo ang panawagan kung mauuna ang pamahalaan sa pagpapakita ng halimbawa sa pagtitipid ng tubig. Simulan ito sa pamamagitan ng direktiba sa mga tanggapan ng gobyerno na huwag mag-aksaya ng tubig. Maraming government offices ang nag-aaksaya sa tubig. Mara­ming gripo ang may leak at hindi inaayos kaya tapon nang tapon ang tubig.

Maganda ang hakbang na higpitan ang mga ne­gosyong gumagamit ng tubig gaya ng car wash. Malakas kumunsumo ng tubig ang mga ito kaya dapat pagbawalan. Ipagpatuloy ng Maynilad at Manila Water ang pagsasaayos ng mga sirang tubo ng tubig upang walang maaksaya.

EL NIÑO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with