^

Punto Mo

Ginang sa colombia, natuklasan na may naiwang surgical needle sa tiyan mula sa operasyon taon na ang nakararaan!

KAGILA GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

Isang 39-anyos na babae sa Colombia ang 10 taon na nagtiis ng pananakit ng tiyan dahil sa karayom na nakalimutang tanggalin pagkatapos siyang mao­perahan!

Noong 2012, sumailalim sa tubal ligation ang misis na si Maria Aderlinda Forero sa isang clinic sa San Jose del Guaviare. Walang naging problema sa kanyang operasyon ngunit pagkalipas ng ilang araw, nakaramdam nang matin­ding pananakit sa kanyang abdomen area si Maria.

Nang magpatingin siya sa doktor, pinayuhan lamang siya na uminom ng paracetamol. Sa ilang beses na pagpapakunsulta niya sa doktor, walang nakikitang problema kaya nireresetahan lamang siya ng painkiller medicine. Bukod sa kakulangan sa pera, malayo at inaabot ng dalawang oras ang kailangang ibiyahe ni Maria para magpakunsulta sa doktor. Dahil dito, bihira siyang makakita ng doktor at umiinom na lang siya ng painkillers tuwing sumasakit ang tiyan.

Noong Nobyembre 2022, hindi na kinakaya ng mga iniinom na painkiller medicine na gamutin ang hapdi ng tiyan ni Maria kaya nagpatingin na siya sa isang ospital. Sa pamamagitan ng MRI scan, nakita na may surgical needle na may sinulid sa kanyang tiyan.

Sa susunod na buwan, sasailalim sa isang evaluation si Maria upang malaman kung ano ang pinakaligtas na paraan para maalis na ang karayom sa tiyan. Sa kasalukuyan, hindi pa makapaghain ng reklamo si Maria laban sa clinic na nag-iwan ng karayon dahil hinihintay pa nila ang evaluation.

Ayon sa ilang news agencies sa Colombia, nagbigay diumano ng pahayag ang clinic at itinatanggi nito na sila ang may kasalanan sa natagpuang karayom sa tiyan ni Maria. Naghihinala pa ang mga ito na sinadyang lumunok ang biktima ng karayom para makahingi ng danyos perwisyo.

COLUMBIA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with