^

Punto Mo

EDITORYAL - Kailangan ba ang ROTC?

Pang-masa
EDITORYAL - Kailangan ba ang ROTC?

WALANG sablay ang pagbabalik ng Reserve Officer Training Corps (ROTC) sa kolehiyo. Tiniyak ng mga senador na bago matapos ang taon, ganap nang batas ang mandatory ROTC. Wala umanong tumututol sa pagbabalik ng ROTC.

Sinabi ni Senator Ronald dela Rosa na nakasalang na sa plenaryo ng Senado ang panukala at pgdedebatehan sa pagbabalik ng sesyon sa Mayo. Wala naman daw problema sa Kamara sapagkat aprubado na ito. Kaunting makakaliwa lamang umano ang tumututol sa pagbabalik ng ROTC.

Nakasaad sa panukala, hindi makaka-graduate sa kolehiyo at technical vocational courses ang mga estudyanteng lalaki at babae kapag hindi nag-ROTC. Sakop din ng panukala ang mga dayuhang estudyante at mae-exempt lamang kung may kapansanan o malubhang karamdaman. Ituturo rin umano sa ROTC ang pagmamahal sa bansa, paggalang sa karapatang pantao, pangangalaga sa environment, paghahanda at kasanayan sa pagtugon sa kalamidad at sakuna.

Binigyang-diin ni Dela Rosa na walang magaganap na hazing, pang-aabuso at korapsiyon sa ROTC. Sagutin umano ng gobyerno ang ROTC.

Inalis ang ROTC noong 2008 nang isabatas ang National Service Training Program (NSTP). Na­ging voluntary ang ROTC. Isa sa mga dahilan kaya binuwag ang ROTC ay dahil sa karumal-dumal na pagpatay kay UST cadet officer Mark Wilson Chua noong 2001. Mga kapwa cadet officer ang pumatay kay Chua nang ibulgar ang corruption sa UST Corps of Cadet. Pinatay si Chua sa pamamagitan ng pagbigti. Binalot siya sa kutson at itinapon ang bangkay sa Pasig River. Nahuli ang mga pumatay sa kanya subalit may mga nakalalaya pa hanggang sa kasalukuyan.

Ang pagkamatay ni Chua ang nagbuwag sa ROTC. Nakalaya ang mga estudyante sa puwersahang pagmamartsa tuwing Linggo habang nakabilad sa init ng araw.

Ngayon ay tiyak nang ibabalik ang ROTC at pati mga babae ay kasama na ring magti-training. Kung bakit pati babae ay kasama sa pagbabalik ng ROTC ay isang malaking katanungan. Nararapat na pagdebatehan pa ang ukol dito.

Ang sinabi ni Dela Rosa na walang magaganap na hazing at pag-abuso sa pagbabalik ng ROTC ay hindi naman dapat lubos na pagtiwalaan. Paano makasisiguro na walang magaganap na hazing at pang-aabuso? Masusubaybayan ba lagi ang aktibidad ng mga sumasailalim sa ROTC? O kaya’y ang mga nais na maging officers ng ROTC? Tradisyon na sa mga pumapasok bilang officer ang dumaan sa initiation.

Ang malaking katanungan, kailangan ba talaga ang ROTC? O pagsasayang lang ito ng oras ng mga estudyante?

ROTC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with