^

Punto Mo

EDITORYAL - Mag-ingat sa dengue

Pang-masa
EDITORYAL - Mag-ingat sa dengue

NAKABABAHALA ang pagtaas ng kaso ng dengue ngayong taon. Ayon sa Department of Health (DOH)-Disease Surviellance Report, mula Enero 1 hanggang Marso 30, 2023, nakapagtala na ng 27,670 kaso ng dengue. Doble ang dami kaysa noong nakaraang taon na 14,278 kaso.

Ang National Capital Region ang may pinakamaraming kaso, 3,898 na sinundan ng Central Luzon, 3,053 at Davao region na may 2,707 kaso. Marami ring kaso sa Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon), 2,699 at sa Northern Mindanao na may 2,380 kaso.

Posible pa umanong tumaas ang kaso ng dengue kahit mainit ang panahon dahil nadagdagan ang pina­ngingitlugan ng mga lamok tulad ng mga dram at timba na pinag-iimbakan ng tubig. Dahil sa kakapusan ng tubig, nag-iipon ang mamamayan ng tubig. Ipinapayo na takpan ang mga lalagyan ng tubig para hindi maging breeding ground ng mga lamok.

Ang dengue ay galing sa lamok na Aeidis Aegypti. Madaling makilala ang lamok na ito dahil sa itim at puting guhit sa katawan nito. Sa araw lamang ito na­ngangagat. Paboritong tirahan ng lamok ang mga basyo ng bote, goma o gulong na may istak na tubig, mga tabo o paso ng halaman. Nangingitlog din ang mga ito sa mga estero na hindi umaagos. Naninirahan din sa malalagong halaman. Ipinapayo na huwag magsasampay ng damit sa madilim na bahagi ng bahay.

Palatandaan ng dengue ang mataas na lagnat na tumatagal ng isang linggo, kulay kapeng ihi, pagkakaroon ng pantal-pantal sa balat at pananakit ng ulo at katawan. Ipinapayo ng mga doktor na kapag nakaranas ng ganitong sintomas, kumunsulta agad sa doktor para maagapan ang dengue.

Ang kalinisan sa loob ng bahay at kapaligiran ang susi para mapigilan ang pagkalat ng mga lamok na nagdadala ng dengue. Ang pagbibigay ng gabay sa mamamayan ukol sa dengue ay nararapat namang paigtingin pa ng DOH. Magbigay ng impormasyon sa mamamayan ukol sa dengue upang ganap na maiwasan ito. Marami pa rin ang salat sa kaalaman ukol sa mga lamok na naghahatid ng sakit lalo ang mga nasa liblib na lugar. Dapat na ring ituro sa mga eskuwelahan kung paano makaiiwas sa mga lamok na nagdadala ng dengue.

Naging handa ang DOH sa pananalasa ng COVID-19 sa nakalipas na mahigit dalawang taon at nalampasan ito. Sana ganito rin ang gawing pagsisikap para maiwasan ang dengue.

DENGUE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with