Kailan mo dapat isara ang iyong bibig?

• Kapag nagpupuyos ka sa galit.

• Kapag kulang ka sa pruweba.

• Kapag hindi mo pa nabeberipika ang totoong nangyari.

• Kung ikapapahamak ito ng mahihina at walang kapangyarihan.

• Kung sa bandang huli ay ikakahiya mo ang mga salitang binitawan mo.

• Kung wala ka namang kinalaman sa isyu.

• Kung gusto mo lang humabi ng mga kasinungalingan.

• Kung gusto mo lang ipahamak ang iyong kaaway na kasali sa kaguluhan.

• Kung ang bibitawan mong salita ay ikakasira ng reputasyon ng isang tao.

• Kung ikakasira ito ng pagkakaibigan.

• Kung sobra ka lang mapanghusga.

• Kung hindi mo makontrol ang sarili na sumigaw at magmura.

• Kung sa tingin mo ay mas mainam na makinig kaysa magsalita.

• Kung hindi mo mapaninindigan ang iyong sasabihin at sa bandang huli ay kakainin mo lang ang iyong binitawang salita.

• Kung gusto mo lang talakan ang kaaway mo.

• Kung gusto mo lang sumipsip sa mga taong batid mong masasama ang ugali.

• Kung ang pagsasalita mo ay may kapalit na kabayaran para ipagtanggol ang mga magnanakaw.

• Kung ginagawa ka lang instrumento para magkalat ng fake news upang siraan ang ­mararangal na pulitiko.

• Kung inaaksaya mo ang oras sa trabaho sa pagtsismis sa halip na magtrabaho ka.

“Watch your words and hold your tongue; you’ll save yourself a lot of grief.” —Proverbs 23

Show comments