^

Punto Mo

EDITORYAL - Kaliwa’t kanan ang mga krimen

Pang-masa
EDITORYAL - Kaliwa’t kanan ang mga krimen

Maraming nangyayaring krimen hindi lamang sa Metro Manila kundi maging sa probinsiya. Maraming elected officials ang tinambangan at napatay mula pa Enero ng kasalukuyang taon. Pinaka-karumal-dumal ang pagpatay kay Negros Oriental governor Rowell Degamo na pinasok sa kanyang bahay at pinagbabaril. Bukod kay Degamo, walong iba pa ang napatay. Mga AWOL na sundalo at pulis ang suspect. Apat na ang naaresto at isa ang sumuko. Itinuro ng dalawang suspect na si “Congressman Teves” ang nasa likod ng pagpatay. Itinanggi naman ni Teves ang akusasyon.

Patuloy ang pag-alagwa ng iba pang krimen at kahit chief of police ay pinapatay ng holdaper. Noong Sabado, binaril ang hepe ng San Miguel, Bulacan police makaraang magresponde sa isang holdapan na nangyari sa San Ildefonso, Bulacan. Naispatan nina Lt. Col. Marlon Serna ang dalawang holdaper na naglalakad sa Bgy. Pulong Mangga. Pagbaba ni Serna sa sasakyan, pinaputukan siya ng mga holdaper na tinamaan sa ulo. Nag-offer ng P1.7 milyong reward sa ikadarakip ng killers.

Karumal-dumal din ang pagpatay sa isang Filipino-Chinese businessman na kinidnap ng mga dayuhang Chinese at Vietnamese noong Marso 18 at pinatubos sa pamilya nito. Nang makuha na ng kidnappers ang pera, pinatay ang negosyante at itinapon ang bangkay sa Tanza, Cavite.

Nakilala ang biktima na si Mario Sy Uy, 62. Kinidnap siya sa Quezon City habang patungo sa kanyang hardware at dinala sa Gen. Trias, Cavite. Tinorture siya. Idinokumento pa ang pag-torture at saka pinadala sa pamilya nito. Humingi ng P1 milyon ang mga kidnappers. Nang maibigay ang ransom, pinatay ang negosyante at tinapon ang bangkay. Agad namang naaresto ng Anti-Kidnapping Group (AKG) ang mga suspects na Chinese na sina Bei Huimin, 30; Jielong Shen, 26, Sun XiaoHui, 26, at Vietnamese na si Hong Puc Le, 33.

Malaking hamon sa PNP ang mga nangyaya­ring krimen lalo ang kidnapping. Naghahatid ito ng pangamba sapagkat mga dayuhang Chinese ang nangingidnap. Bakit walang takot ang mga dayuhan na gumawa ng krimen? Dahil kaya mahina ang mga pulis? Walang nagbabantay na pulis sa kalye? Protektahan ng PNP ang mamamayan. Hindi dapat mangyari ang mga karumal-dumal na krimen.

ROEL DEGAMO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with