UMAAWIT na ang mga dating kasapi ng cause oriented groups na nakaugnay sa CPP-NDF. Ipinahahayag na sa social media networks ang katiwalian sa pananalapi at pang-aabuso sa mga kababaihang recruits. Ano sila sex bomb?
Maging sa mga pulitiko na may kinalaman sa mga pagpatay ay ikinakanta na ng mga malalapit nilang mga tauhan. Lumago ang mangangantang kriminal dahil sa Witness Protection Program (WPP) ng Department of Justice. Sumisingil para pumatay at kapag nahuli, ikakanta ang nag-utos. May safehouse pa at bodyguard kahit sa pagtulog. Lagot ka..isusumbong ka na nila!
Bumabaliktad na talaga ang inog ng mundo kaya kinakabahan na ang mga mandarambong sa kaban ng gobyerno. Malamang ikanta sila ng mga tauhan nila na naagrabyado sa partehan. Nagpapawis na ang mga tumbong ng mga dorobong pulitiko at opisyales ng gobyerno. Kembot pa more!
Inaabangan na rin ang pagkanta ng accounting clerks na inutusan ng company accountants para mandaya sa babayarang buwis kasabwat ang BIR examiners. “Budol of Internal Revenue” na ang itinatawag sa kanila. Beee buti nga!
Itinatag ni dating President Duterte ang Presidential Anti-Corruption Commission na pinamunuan ni Greco Belgica. Pagkakataon na sanang maging concert conductor ni Greco pero wala siyang abilidad bilang composer. Maganda kung nakasama siya sa choir di ba? Nasintunado tuloy na maging senador. Nabuhay si Ading Fernando!
Makabuo kaya ang PNP at NBI ng Criminal Whisper Ensemble? Hintayin natin!