^

Bansa

SWS: 81% ng pamilyang Pinoy pagsusuotin ng mask ang mga bata sa school kahit boluntaryo na

Agence France-Presse
SWS: 81% ng pamilyang Pinoy pagsusuotin ng mask ang mga bata sa school kahit boluntaryo na
Students attend the first day of in-person classes after years-long Covid-19 lockdowns at Pedro Guevara Elementary School in Manila on August 22, 2022.
AFP/Maria Tan

MANILA, Philippines — Nasa siyam sa 10 "household heads" ng mga Pamilyang Pilipino ang sang-ayon sa boluntaryong pagpapagamit ng face masks laban sa COVID-19 kahit sa mga estudyanteng pumapasok ng paaralan — sa kabila nito, 81% ang nagsasabing pagsusuotin pa rin nila ang kanilang mga anak tuwing pupunta ng eskwela, ayon sa Social Weather Stations.

Matatandaang ipinatupad ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. ang Executive Order 7 (s. 2022) noong nakaraang taon, bagay na nagtatanggal sa sapilitang pagpapasuot ng mga maskara laban sa nakamamatay na virus kahit nasa loob man mga establisyamento o kahit nasa pampublikong lugar.

"[Around] 91% AGREE with the voluntary wearing of face masks for children in face-to-face classes," paglalahad ng SWS sa isang survey na inilathala nitong Lunes.

"[However], 81% say they will ALWAYS make their child wear a face mask when going to school."

Kung titilad-tilarin, narito ang paghahati-hati ng Filipino households pagdating sa pagpapasuot ng face masks tuwing papapasukin sa pisikal na mga klase ang kanilang mga anak:

- Always: 81%
- Most of the time: 11%
- Sometimes: 5%
- Rarely: 3%
- Never: 0.5%

Ito naman ang karagdagang detalye pagdating sa mga payag sa polisiya ng voluntary masking sa face-to-face classes:

- Strongly agree: 65%
- Somewhat agree: 26%
- Undecided: 3%
- Somewhat disagree: 3%
- Strongly disagree: 2%

Ilang buwan pa lang ang nakalilipas nang payagan ng Department of Education ang pagtatanggal ng face masks sa mga estudyante kahit sa indoor settings.

Ganito ang mga resultang lumabas kahit na naglabas na noon ang Philippine Pediatric Society at Pediatric Infectious Disease Society of the Philippine ng pahayag na nagrerekomenda pa rin ng paggamit ng face masks sa loob ng mga paaralan.

Hindi lahat ng mga bata ay pwede pa ring magpaturok ng bakuna laban sa COVID-19 magpahanggang sa ngayon.

Ang mga nasabing datos ay bahagi ng harapang panayam na inilunsad ng SWS sa 1,200 katao edad 18 pataas sa buong Pilipinas.

Sa parehong survey, kung saan total adult Filipinos naman ang tinanong, lumalabas na 91% din ang sang-ayon sa boluntaryong paggamit ng face masks sa parehong indoor at outdoor settings.

Gayunpaman, 54% sa kanila ang nagsabing lagi na nila itong isusuot sa tuwing lalabas ng kani-kanilang mga bahay.

Narito naman ang opinyon ng adult Filipinos pagdating sa polisiya ng voluntary face mask use:

- Strongly approve: 64%
- Somewhat approve: 27%
- Undecided: 4%
- Somewhat disapprove: 3%
- Strongly disapprove: 1%

Ginawa ang survey mula ika-10 hanggang ika-14 ng Disyembre taong 2022, at sinasabing may sampling error margin na ±2.8%.

Umabot na sa 4.08 milyon ang tinatamaan ng nasabing sakit sa Pilipinas simula nang makapasok ito sa bansa noong 2020. Sa bilang na 'yan, 8,626 pa rin ang aktibong kaso habang 66,342 na ang namamatay, ayon sa huling datos ng Department of Health na inilabas kahapon/

DEPARTMENT OF EDUCATION

FACE MASKS

SOCIAL WEATHER STATIONS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with