Lola sa Canada, nakatanggap ng guinness world record dahil sa dami ng nai-donate niyang dugo!
ISANG 80-anyos na lola sa Canada na regular na nagdo-donate ng dugo sa loob ng anim na dekada ang nakatanggap ng Guinness World Record title na “The Most Whole Blood Donated (Female)”.
Ayon sa Guinness, nagsimulang mag-donate ng dugo si Josephine Michaluk noong siya’y 22 years old. Sa mahigit 60 years na pagkakawanggawa, umabot na sa 203 units of blood ang na-donate ni Michaluk. Ang 203 units ng dugo ay equivalent sa 91 liters.
Sa panayam kay Michaluk, malinaw pa sa kanyang alaala ang una niyang pagsali sa blood donation drive. Noon ay 1965 at naisipan niyang sumali dahil hinikayat siya ng kanyang kapatid na babae.
Ang blood type ni Michaluk ay “O” positive at ito ang isa sa dugo na may mataas na demand.
Sobrang proud si Michaluk sa natanggap niyang world record title dahil masaya siya na marami siyang natulungan sa pamamagitan ng kanyang dugo.
- Latest