^

Punto Mo

EDITORYAL - Sige BIR, parusahan mga nag-iisyu ng pekeng resibo

Pang-masa
EDITORYAL - Sige BIR, parusahan mga nag-iisyu ng pekeng resibo

MARAMING establisimento ang nag-iisyu ng fake receipts para makapandaya sa buwis. Kakutsaba nila ang mga nag-iimprenta ng pekeng resibo. Binabagsakan sila ng mga pekeng receipts. Nagtutulungan sila para madaya ang gobyerno. Nabubuhay ang namemeke ng resibo dahil din sa mga mandarayang may-ari ng establisimento. Pareho silang nakikinabang sa isa’t isa. Mistula silang linta.

Sa pag-iisyu ng pekeng resibo, nawawalan ng P25.5 bilyon taun-taon ang pamahalaan. Napakalaking halaga na malaki ang maitutulong sa pagbibigay ng serbisyo sa mga tao at ganundin sa pagpapagawa ng mga school, kalsada at tulay na mahalaga sa pag-unlad ng bansa.

Ang pag-iisyu ng pekeng resibo ay matagal nang ginagawa ito subalit ngayon lang napagtuunan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa pamununo ni Commissioner Romeo D. Lumagui Jr. Sabi ni Lumagui, sinampahan na nila ng kaso sa pamamagitan ng Department of Justice ang apat na “ghost” corporations na nagbebenta ng pekeng resibo.

Tinukoy ni Lumagui ang mga kompanyang Buildforce Trading, Inc., Crazykitchen Foodtrade Corp., Decarich Supertrade, Inc., at Redington Corp. Ayon kay Lumagui, ang apat na kompanya ay walang totoong negosyo at talagang ang trabaho ay magbenta ng pekeng resibo sa mga nandaraya ring establisimento sa pagbabayad ng buwis. Sinampahan ang apat na kompanya sa paglabag sa Sections 254, 255, at 267 ng National Internal Revenue Code of 1997.

Nagbabala rin naman si Lumagui sa mga kompanyang gumagamit ng pekeng resibo na isasailalim sila sa audit at kapag napatunayan ay mahaharap sa mabigat na kaso. Mayroon na umano silang listahan ng mga kompanya na nag-isyu ng pekeng receipt sa kanilang mga customer. Hindi umano makalulusot sa batas ang mga kompanyang nandaraya sa buwis. Target ng BIR na makakolekta ngayong taon ng P2.6 trilyon. Pinakamalaking koleksiyon kung magkakaroon ng katuparan.

Tama ang gagawin ng BIR na pagsasampa ng kaso sa mga nagbebenta at nag-iisyu ng pekeng resibo. Kailangang may mabulok sa bilangguan. Dapat may masampolan.

Nararapat din namang bantayan ng BIR ang kanilang mga tauhan na minamadyik ang mga “libro” ng kompanya para makapandaya sa buwis. Huwag lang ang mga nag-iisyu ng pekeng receipt ang tutukan kundi pati na rin ang mga corrupt BIR officials at mga tauhan. Hindi dapat sa bulsa nila masiyut ang para sa kaban ng bayan.

BIR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with