^

Punto Mo

EDITORYAL - Daming ­nagugutom pero Cha-cha ang pinagbubuhusan ng panahon

Pang-masa
EDITORYAL - Daming ­nagugutom pero Cha-cha ang pinagbubuhusan ng panahon

LAGANAP ang kahirapan, maraming walang trabaho, mahal ang bilihin pero ang mga taga-House of Representatives ang pagpapalit ng Konstitusyon ang pinagbubuhusan ng pansin. Atat na atat sila. Madaling inaprubahan ang resolusyon na tumatawag ng Constitutional convention (Con-con). Ura-urada sila na para bang ang pag-amyenda sa Konstitusyon ang solusyon sa kagutuman at kahirapan.

Pinupunto ng mga kongresista, mapapaluwag daw ang pagnenegosyo ng mga dayuhan kapag nabago ang Konstitusyon. Ang tanong, kapag nabago ba ang ­Konstitusyon, dadagsa ba ang investors sa bansa. Huhugos ba sila rito? Sa totoo lang, mas gusto ng mga dayuhan na pagaanin ang pag-iisyu sa kanila ng permit para makapagnegosyo rito. Huwag silang pahirapan sa pagpila para makakuha ng kung anu-anong business permit. At mayroon nang batas para ritoang Ease of Doing Business. Samakatuwid, hindi na kailangan ang Cha-cha.

Isa sa dahilan kung bakit maraming tutol sa Cha-cha ay dahil sa probisyon na mapapalawig ang termino ng mga namumuno sa bansa. Kapag nangyari yan, magi­ging gahaman na sila sa puwesto.

Maski si President Ferdinand Marcos Jr. ay nagsabi na hindi prayoridad ng kanyang pamahalaan ang Cha-cha. Mas nakapokus daw ang pamahalaan niya sa paghanap ng mga dayuhang mamumuhunan.

Majority rin ng mga senador ay hindi pabor sa pagbabago ng Konstitusyon. Sinabi ni Senate President Juan Miguel Zubiri, hindi prayoridad ng Senado ang Cha-cha. Ayon sa kanya, hindi makakaakit ng foreign investors ang pagpapalit ng Konstitusyon. Isa pa raw, marami na silang naipasang batas para maging maluwag ang pagnenegosyo sa Pilipinas dahil pinapayagan na ang 100% ownership sa mga dayuhan.

Malaking pera rin ang kakailanganin kung isasagawa ang Cha-cha. Magdaraos ng plebesito at bilyones ang dapat na pondo. Sa pagtaya ng National Economic Development Authority (NEDA), gagastos ng P13.8 bilyon sa pagdaraos ng plebisito. Malaking halaga ito. Saan kukunin ang pondo? Mangungutang? Malaki na ang utang ng Pilipinas na umaabot sa P13.42 trillion.

Ibasura ang Cha-cha. Unahin ang kapakanan ng mamamayan lalo na ang mga walang ilalaman sa bituka.

vuukle comment

CHARTER CHANGE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with