MAYROON palang tawag sa nadadama ng isang tao sa iba’t ibang sitwasyon.
1. Novalunosis: Ito ang nararamdaman kapag relaks na relaks ka habang minamasdan mo ang kagandahan ng mga mga bituin sa langit.
2. Wundervei: Nadadama mo ang ganda at katahimikan ng kalikasan habang mag-isa kang naglalakad sa gitna ng kabukiran.
3. Eramnesia: Sa isip mo ay mali ang panahon na ipinanganak ka, at wish mong sana ay ipinanganak ka na lang sa ibang panahon.
4. Witnessoja: Feeling accomplished ka dahil sa tagumpay na naranasan pagkatapos nang sunud-sunod na kabiguan.
5. Sundreesoro: Panghihinayang na nagising ka matapos managinip ng isang napakasayang sitwasyon.
6. Livilence: Magkahalong saya at lungkot ang nadarama kapag bumalik ka sa sinilangang bayan matapos itong lisanin sa mahabang panahon.
7. Seatherny: Katahimikang nararanasan habang nakikinig sa mga huni ng ibon sa gitna ng kabukiran.
8. Drizzlosis: Ang kapanatagan ng isip at kalooban habang pinakikinggan ang patak ng ulan.
9. Zirgwe: Kabiguang nadadama pagkatapos subukan ang iba’t ibang paraan upang magtagumpay sa career pero bigo pa rin. ‘Yung feeling na hindi mo na alam ang susunod mo pang gagawin.
10. Teresaurum: Ang matinding pagnanais na palibutan ka sana ng mga gintong alahas.