^

Punto Mo

EDITORIAL - Sinira ang ­kabuhayan pati na ang kalikasan

Pang-masa
EDITORIAL - Sinira ang ­kabuhayan pati na ang kalikasan

Sinira nang natapong langis ang pinagkukunan ng ikinabubuhay ng mga taga-Pola, Oriental Mindoro. Wala silang mapangisdaan ngayon sapagkat nakahalo sa tubig ang langis na tumagas sa MT Princess Empress. Ipinag-utos ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na huwag munang papalaot ang mga mangingisda sapagkat kontaminado ang dagat sa baybayin ng Pola. Babala rin ng Deparment of Health (DOH) sa mga residenteng nasa baybay-dagat na magsuot ng face mask upang hindi malanghap ang masangsang na amoy nang natapong krudo. Pinalilipat din ng tirahan ang mga buntis at may mga sakit sa baga upang hindi makalanghap ng natapong langis.

Bakas sa mukha ng mga residente ng Pola ang hinagpis sapagkat hindi nila alam kung saan kukuha ng kakainin. Tanong nila: Hanggang kailan sila magtitiis sa perwisyong dinulot ng MT Princess Empress?

Habang naghihinagpis, nagtulung-tulong pa rin ang mga residente ng Pola na salukin ang mga natapong langis na halos ay matakpan na ang dalampasigan. Sabi ni Pola Mayor Jennifer Mindanao Cruz , apektado rin ng oil spill ang kanilang turismo. At ang ikinadidismaya ni Mayor Cruz, wala umanong ipinadadalang tulong ang may-ari nang lumubog na MT Princess Empress sa kanila. Ayon pa sa mayor, hindi biro ang tumapong langis sa karagatan at ang kanyang bayan ang masyadong napuruhan.

Lumubog ang MT Princess Empress noong Pebrero 28 sa baybayin ng Naujan, Oriental Mindoro habang patungo sa Iloilo. Galing Bataan ang tanker at may kargang 800,000 ng litro ng industrial fuel oil. Malaki umano ang alon sa baybayin ng Naujan dahilan para lumubog ang tanker. Nailigtas ang mga crew ng tanker.

Bukod sa Naujan at Pola, kumalat na rin ang langis sa mga bayan ng Pinamalayan at Gloria sa Oriental Mindoro. Sa report ng Philippine Coast Guard (PCG), umabot na rin umano sa Marinduque, Palawan at Antique ang oil spill.

Sinabi naman ng Department of Transportation (DOTr) na hihingi sila ng tulong sa Japanese government upang mapigilan ang pagkalat pa ng oil spill sa Oriental Mindoro at iba pang probinsiya. Nararapat din namang obligahin ng DOTr ang owner ng MT Princess Empress na tumulong sa mga naapektuhan ng oil spill. Kumilos sila at huwag takasan ang responsibilidad. Hindi biro ang nilikhang perwisyo sa kabuhayan at kapaligiran nang tumagas na langis mula sa tanker. Malaki ang pananagutan ng may-ari sapagkat hindi dapat ibiniyahe ang tanker na may masamang kondisyon. Dapat siniguro nilang ligtas ito bago pumalaot.

PRINCESS EMPRESS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with