ANG tamang salita ay nakagagaan ng pakiramdam ngunit nakasusugat ng damdamin ang maling bati. Kung ikaw ay isang kaibigan o kamag-anak ng cancer victim, huwag mong gagawin o sasabihin ang mga sumusunod:
1. Huwag kang magkokomento ng: “Mukha kang walang sakit”. Ayon sa mga psychologist na nag-interview sa ilang cancer victim, ito raw ang isa sa nakaiiritang bati para sa kanila.
2. Huwag kang mang-iiwan sa ere. May mga kasong bigla na lang nawala ang mga kaibigan ng cancer victim nang kumalat ang balita tungkol sa kanyang sakit. Kasi raw ‘yung mga friends ay hindi malaman ang sasabihin o ire-react kapag nakaharap ang may sakit na kaibigan. Mas mainam na tawagan ang kaibigang maysakit at sabihing “Ikaw lagi ang iniisip ko, kaya lang ay hindi ko alam ang sasabihin ko sa iyo kapag nagkita tayo.”
3. Huwag silang kukuwentuhan ng mga nakakatakot na pangyayari.
4. Huwag magsasalita ng “Kaya next time, ingatan mo na ‘yang sarili mo” Tama na ang paninisi, tama na ang pangangaral. Nakakairita ‘yun. Pinaka-safe na bati: Kumusta ka na?
5. Huwag mong sabihin: “Okey lang ‘yan…kaya mo ‘yan” Lalo lang daw nakakabigat ng pakiramdam ang mga salitang iyon. Hindi mo alam kung paano mabuhay nang may mabigat na karamdaman.