^

Punto Mo

Lola na laging bagsak sa driving test, 960 beses kumuha ng test bago nakapasa at nakakuha ng lisensiya!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG lola sa South Korea na nakapasa sa kanyang driving test sa ika-960 niyang subok ang nagbigay inspirasyon sa mga netizens na huwag sumuko sa mga pagsubok sa buhay.

Nangyari ang inspirational story na ito ni Cha Sa Soon noong 2010 ngunit pinag-usapan at naging viral ito kamakailan matapos mag-resurface ang kuwentong ito sa news and discussion website na Reddit.

Taon 2005 naging laman ng mga news program sa South Korea ang noo’y 64 years old na si Cha Sa Soon dahil sa paulit-ulit nitong pagbagsak sa driving test.

Unang beses kumuha ng written test si Cha noong April 2005 at nang hindi siya pumasa, agad siyang nag-retake ng sumunod na araw. Dahil hindi siya makapasa-pasa, wala siyang sawa na kumuha ng exam araw-araw, limang beses sa isang linggo.

Umabot sa tatlong taon ang araw-araw na pag-retake niya ng exam. Matapos ito, naging twice a week na lang siya sumusubok mag-exam. Pagkatapos nang mahigit limang taon, nakapasa siya sa ika-860 retake niya ng written exam.

Ang sunod na kailangang ipasa ni Cha ay practical driving test na mas mahirap kaysa sa written. Inabot ng 10 beses bago niya naipasa ang practical test at sa ika-960 niyang subok, napagtagumpayan ni Cha na magkaroon ng driver’s license sa edad na 69.

Sa panayam kay Cha, gumastos siya ng 5 million Korean won dahil sa paulit-ulit na pagkuha ng exam. Dahil sa atensiyon na binigay ng media sa kanyang pinagdaanan, naging instant celebrity siya noon at pinagkalooban ng brand new car ng isang sikat na South Korean car manufacturer.

Maraming humanga sa kuwento ni Cha dahil sa kanyang determinasyon na maabot ang ninanais. 

DRIVING LICENSE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with