Mystical tips  

• Maglagay ng cinnamon powder sa supot na tela at ilagay sa apat na sulok ng bahay para maiwasan ang pagtatalo ng pamilya.

• Magdispley ng isang bowl na may magaspang na asin at sa ibabaw ay may bawang upang maiwasan ang inggitan at masamang iniisip sa isa’t isa.

• Maghagis ng isang dakot na asin sa nagbabagang uling upang hindi matuloy ang pagdating ng mga nakakabuwisit na bisita. Gawin ito ilang araw bago ang schedule na pagbisita sa inyo.

• Magsunog ng balat ng bawang sa araw ng Biyernes para gumaan ang daloy ng pera sa inyong buhay.

• Habang nagwawalis sa bahay, bumulong nang paulit-ulit na mawala na ang negative energy sa inyong bahay.

• Para maiwasan ang bangungot ilagay sa ilalim ng iyong unan ang isang pirasong tawas na nakabalot sa itim na tela.

• Gawin ang mga sumusunod upang lumakas lalo ang relasyon ng mag-asawa: Kumuha ng isang glass jar na may takip. Ilagay dito ang 3 sticks ng cinnamon at isang rose quartz. Isulat ang pangalan mo at ng iyong asawa/partner sa isang pulang papel. Ilagay sa glass jar. Takpan ang jar. Itago mo sa inyong bedroom.

• Kung ang trabaho ay nasa harapan ng computer maghapon, palibutan mo ang iyong sarili ng mga bagay na kulay green kasama ang mga halaman. Bukod sa mainam ang kulay green sa matang napapagod, ito ay nakadaragdag ng talino.

Show comments