^

Punto Mo

EDITORYAL - Panibagong pasakit sa riding public

Pang-masa
EDITORYAL - Panibagong pasakit sa riding public

NGAYON ay may pagtaas na naman sa presyo ng petroleum products. Ang diesel ay tataas ng 90 sentimo at ang gasolina ay 70 sentimo. Babawiin ang mga ni-rollback ng mga nakaraang linggo. Kaya nangangamba na naman ang mga drayber ng dyipni na balik uli sa dating maliit na kinikita dahil sa panibagong pagtataas ng petroleum products. Hindi na nakapagtataka kung humirit ng dagdag-pasahe sa jeepney ang mga operators. Sa kasalukuyan, P12 ang minimum na pasahe sa dyipni. Kapag humirit ng dag­dag-pasahe sa jeepney, tiyak na tatamaan ang mga manggagawang karampot ang kinikita.

Ang pagtataas ng petroleum products ay kasabay naman sa pagtaas ng inflation rate. Patuloy ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo. Halos wala nang mabili ang karampot na kinikita. Kamakailan, isinusulong ng mga manggagawa ang increase sa kanilang sahod. Hindi na akma ang minimum wage sa Metro Manila na P570.00. Wala nang mabili ang kasalukuyang sahod ng mga manggagawa.

Ang isang tiyak na magtataas sa susunod na buwan ay ang pasahe sa MRT-3, LRT 1 at 2. Ayon sa Department of Transportation (DOTr), nagkaroon na ng hearing­ noong Biyernes at pinaplantsa na ang pagtataas. Ire­rekomenda na umano ang proposed hike at magkakaroon ng desisyon sa loob umano ng 15 araw.

Ayon sa report, ang MRT-3 ay mag-i-increase ng P4 hanggang P6.

Iminumungkahi naman ng LRT-1 ang fare increase sa P17 hanggang P44 mula sa kasalukuyang P11 hanggang P30. Balak naman ng LRT-2 na itaas ang pamasahe sa P14 hanggang P33 mula sa kasalukuyang P12 hanggang P28. Iminungkahi rin nito na itaas sa P15 hanggang P35 ang pamasahe sa single value tickets mula sa kasalukuyang P15 hanggang P30.

Wala nang makakapigil sa pagtataas ng pasahe sa MRT at LRT. Ang huling pagtataas ay noon pang 2015. Ayon sa mga namumuno, malaki na ang pagkalugi dahil sa pandemic noong 2020 at 2021.

Papasanin ng publiko ang pagtataas sa MRT at LRT. Ang nakadidismaya lang, magtataas ng pamasahe kahit na depektibo ang mga train. May mga train na tumitirik at napipilitang maglakad ang pasahero para lumipat ng train. May mga train na atrasado sa pagdating. Kulang din ang mga train kaya mahaba ang pila sa bawat station. Sa halip na makarating nang maaga sa trabaho o school, atrasado na.

Isaayos muna ang mga depekto bago magtaas ng pasahe para hindi kawawa at lugi ang riding public.

OIL PRICE HIKE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with