^

Punto Mo

EDITORYAL - Preparasyon sa pagtama ng lindol

Pang-masa
EDITORYAL - Preparasyon sa pagtama ng lindol

NIYANIG ng magnitude 6.0 na lindol ang apat na bayan sa Masbate noong nakaraang linggo. May mga nasirang establisimento kabilang ang ospital at coliseum. Naramdaman din ang lindol sa Legaspi City at Daraga sa Albay at Irosin sa Sorsogon. Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and ­Seismology (Phivolcs), tectonic ang lindol at 10 kilometro ang lalim.

Maraming residente ang nahintakutan at naglabasan sa kani-kanilang mga bahay. Sariwa pa sa alaala ng mga residente ang nangyaring magnitude 7.8 na lindol sa Turkey at Syria noong Pebrero 6 na sa ­huling report ay 43,000 na ang naitatalang namamatay.

Ang nangyaring lindol sa Turkey at sa Masbate ay dapat magbukas sa isipan ng pamahalaan para mapaghandaan ang sinasabing “The Big One” na posibleng tumama sa Luzon at Metro Manila kapag gumalaw ang West Valley Fault. Noong 2013 nagbabala ang Phivolcs na kapag tumama ang magnitude 7.2 na lindol sa Metro Manila, 37,000 katao ang mamamatay.

Sa kasalukuyan, maraming high-rise buildings o condominium sa Metro Manila. Halos nagdikit-dikit na ang mga condominiums na posibleng magbanggaan at bumagsak kapag tumama ang malakas na lindol. Ayon sa mga eksperto, nararapat na may pagitan sa paggawa ng mga high-rise building. Pinapanukala naman na amyendahan ang National Building Code sapagkat marami nang pagbabagong naganap sa pagtatayo ng mga gusali.

Ang pag-iinspeksyon sa mga gusali ng pamahalaan ay nararapat na gawin upang makasiguro ang kaligtasan. Maraming gusali umano ang kailangan nang ayusin dahil sa katandaan.

Pinapanukala naman ng Senado ang pagkakaroon ng contingency plan hindi lamang sa Metro Manila kundi sa buong bansa. Kung may contingency plan, hindi magkakaroon ng kaguluhan. Magkaroon din ng quake drill sa mga tanggapan.

Maaaring mangyari ang “The Big One” kaya nararapat na magkaroon ng preparasyon. Hindi dapat mataranta. Kapag nagkaroon ng pagpa-panic, dito nagkakaroon nang maraming casualties. Maging kalmado kapag naramdaman ang pagyanig at gawin ang natutuhan sa quake drill. Walang makapipigil sa pagyanig kaya nasa mga tao ang pag-iingat.

LINDOL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with