^

Punto Mo

Arthritis  

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

TAHIMIK na nagninilay-nilay ang isang pari habang nakasakay sa bus. Maya-maya ay may sumakay na isang lalaking mukhang nakainom. Sa tabi lang ni Father may bakante kaya doon naupo ang lalaki. May hawak na diyaryo ang lalaki.

Palibhasa ay nakainom at medyo nahihilo, padaskol itong napaupo sa tabi ni Father. Halos mapahampas ang buong katawan ng lalaki sa katawan ng pari.

Lalong nakadama ng inis ang pari nang walang anu-ano, dumura ang lalaki sa sahig ng bus. Napaismid ang pari. Kadiri, sa isip niya. Lihim niyang tinitigan ang katabing lalaki na amoy alak. Bukod sa mukhang lasenggo, hindi malinis ang suot nitong damit. Ang collar ng polo ay may bakas pa ng pulang mantsa. Hindi naman dugo pero parang lipstick. Idagdag pa ang nangangalingasaw nitong amoy “putok”.

Binuklat ng lalaki ang dala nitong diyaryo at nagbasa. Sumulyap ang lalaki sa pari at saka nagsalita.

“Father, ano ba ang dahilan ng arthritis?”

Palibhasa ay nangingibabaw ang inis, ang impresyon niya sa lalaki ang kanyang naisagot. “Mahilig sa alak, babae at marumi sa katawan.”

Napa-aah lamang ang lalaki at tumangu-tango sa sagot ng pari.

Ang pari naman ang nagtanong, “Gaano na katagal ang arthritis mo?”

“Wala akong arthritis, Father. Nabasa ko lang dito sa diyaryo na may arthritis pala ang pope.”

ARTHRITIS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with