^

Punto Mo

EDITORYAL - Paghahanda sa lindol

Pang-masa
EDITORYAL - Paghahanda sa lindol

IMINUMUNGKAHI ng Senado na magkaroon ng contingency plan sa Metro Manila at sa buong bansa para sa pagtama nang malakas na lindol. Ang mungkahi ay kasunod nang malakas na lindol sa Turkey at Syria noong nakaraang linggo na ang mga namatay ay umabot na sa 35,000. Ayon sa United Nations, maaaring madagdagan pa ang mga patay sapagkat marami pa ang hinahanap sa mga guho.

Dalawang Pinay naman ang naiulat na namatay samantalang isa ang nakitang buhay kamakalawa. Hinahanap pa ang isang Pinay at tatlo niyang anak.

Kailangan ang contingency plan. Mahalaga ito para nalalaman ang mga gagawin sakali’t tumama ang “The Big One”. Kung mangyayari rito sa Pilipinas ang nangyaring lindol sa Turkey, marami ang mamamatay.

Sa mga lumabas na video sa social media, nakunan kung paano unti-unting bumagsak ang mga gusali sa siyudad ng Hatay sa Turkey. Parang mga bahay ng posporo na itinulak at unti-unting bumagsak.

Nag-iimbestiga naman ang awtoridad sa Turkey dahil sa pag-collapse ng mga gusali at 113 katao ang iniutos dakpin. Noong Linggo, ipinag-utos na ng vice president ng Turkey na ikulong ang 113 suspects na responsible sa pagguho ng mga gusali. Hinala ng mga awtoridad na may kapabayaan sa paggawa ng mga gusali ang mga inarestong suspect kaya nagkaroon nang malawakang pagguho. Libong gusali at mga bahay ang dumapa sa maraming probinsiya at siyudad.

Noong 2013, nagbabala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na kapag tumama sa Metro Manila ang 7.2 magnitude na lindol, 37,000 katao ang mamamatay. Naghahatid ito ng pangamba.

Malaking tanong kung ang mga gusali, condominium at mga bahay ay makakaya ang lakas na 7.2 magnitude na binabala ng Phivolcs. Dumaan ba sa maayos na pagsusuri ang istruktura ng mga gusali o mga bahay? May mga safety standards bang sinunod ang mga itinayong gusali at bahay? Nararapat alamin ito. Ayon sa report, 5,980 na gusali ang sasailalim sa quake integrity assessment.

Bukod sa contingency plan, mahalaga ring magkaroon ng regular na earthquake drill sa mga tanggapan ng pamahalaan. Ihanda ang mamamayan sa pagtama ng lindol upang hindi matulad sa nangyari sa Turkey.

 

EARTHQUAKE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with