• Mabuti silang tagapakinig ng mga saloobin ng ibang tao. Mainam silang hingan ng tulong sa oras ng kagipitan. Mabuti rin silang tagapayo kung hihingan mo siya ng kanyang opinyon.
• Malakas ang kanilang kutob tungkol sa mga taong nasa paligid niya. Palibhasa ay walang imik, naoobserba niya ang maliliit na detalye tungkol sa pagkatao ng mga nakapaligid sa kanya.
• Matagal silang magalit dahil mabait at maunawain pero kapag napuno na ay mag-ingat ka. Masamang magalit ang tahimik at mabait.
• Tahimik siya physically pero “madaldal” siya kapag kausap ang sarili. Maraming ideya ang naglalaro sa kanyang isipan. Kaya huwag maliitin ang kanyang intelligence porke walang imik.
• Akala mo lang suplado sila dahil walang kibo pero loyal silang kaibigan at karelasyon.
• Sila ay malikhain kaya nagiging musician, writer, or artist.
• Mas gusto nila ang one-on-one conversation kaysa makipagkuwentuhan sa grupo ng mga tao. Private people kasi sila kaya naiilang makipagsosyalan sa “crowd”.
• Mahiyain sila dahil nag-oobserba muna bago sumali sa pakikipagkuwentuhan.
• Mas marami silang malapit na kaibigan kaysa “acquaintances” lang.
• Masaya at nakakatuwa silang kasama sa piling ng malalapit na kaibigan.
• Magaling silang lider. Totoo ang kasabihang mas malalim ang tubig na kalmado.
• Kung naghahanap ka ng tunay na kaibigan, ‘yung tahimik na tao ang iyong piliin kaysa madaldal na mababaw naman.