^

Punto Mo

Editoryal - Magkaroon ng ­tapang laban sa mga ‘buwaya’

Pang-masa
Editoryal - Magkaroon ng ­tapang laban sa mga ‘buwaya’

TAUN-TAON naglalabas ang Transparency International ng ranggo ng mga bansa sa international corruption index. Nasa 180 mga bansa ang sinuri ng anticorruption watchdog. Para sa 2022, ang Pilipinas ay nasa ika-116 na puwesto. Umangat nang bahagya ang Pilipinas na dating nasa ika-117 noong 2021.

Pero kahit umangat ng puwesto, hindi ito nakakatuwa. Sino ang matutuwa kung ang ranggo ay may kinalaman sa isyu ng corruption? Kahit bali-baliktarin, corruption pa rin ang pinag-uusapan dito at malayo pa ang Pilipinas para makaabot sa mas mataas na ranggo. Hindi nakakatuwang pag-usapan ang ukol sa corruption.

Ayon sa 2022 Corruption Perception Index (CPI), bagama’t nasa ika-116 na puwesto, napanatili naman ng Pilipinas ang mababang score nito sa 33 out of 100. Ayon sa Transparency International, ang marka ng isang bansa ay ang nakikitang antas ng katiwalian sa public sector sa sukat na 0-100, kung saan ang 0 ay nangangahulugang highly corrupt at 100 ay nangangahulugang very clean.

Noong 2018 nasa ika-99 na puwesto ang Pilipinas; 2019 ay ika-113; 2020 ay ika-115; at 2021, ika-117.

Masyadong malayo pa ang tatahakin ng bansa bago maabot ang mataas na antas na walang bahid ng corruption. Sa kasalukuyan, maraming tanggapan ng pamahalaan ang batbat ng katiwalian. Maraming nagpapasasa sa pera ng taumbayan. Maraming “buwaya” na walang kabusugan at nagpapatuloy pa sa pangungulimbat. Ngayong malapit na naman ang bayaran ng buwis, tiyak marami na namang opisyal at kawani ng BIR ang mananagana. Kamakalawa, bago tumulak si President Ferdinand Marcos Jr., nanawagan siya sa publiko na magbayad nang tamang buwis para masuportahan ang pagbangon ng ekonomiya.

Marami naman ang susunod sa panawagan ng presidente subali’t dapat din namang matyagan ang mga kumukurakot sa ibinabayad na buwis. Magkaroon ng tapang laban sa mga “buwaya” na walang kabusugan hindi lamang sa BIR kundi sa marami pang tanggapan ng pamahalaan.

CORRUPTION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with