- Itigil na ang pagiging inggitera.
- Isuko na ang pagiging tsismosa.
- Huwag magsasalita ng negatibong opinyon tungkol sa sarili.
- Makinig sa iyong mga kritiko.
- Pangasiwaan mong mabuti ang iyong oras lalo na ang iyong pera.
- Huwag mong pepersonalin ang mga naririnig mong negatibong opinyon sa iyo ng ibang tao.
- Tigilan ang pagrereklamo.
- Magbasa ng libro.
- Huwag intindihin ang mga bagay na hindi mo na mababago.
- Magpatawad.
- Lumayo sa mga taong hindi mo gusto.
- Dagdagan ang gawa, bawasan ang daldal.
- Bilhin ang isang bagay na matagal mo nang gustong mapasaiyo.
- Sumali sa bagong grupo.
- Umibig.
- Subukang mag-isa.
- Tumigil na sa panghuhusga.
- Iwasang maging troll sa social media. Kung wala ka namang kinalaman at magiging ugat lang ito ng pangba-bash sa iyo, huwag sumawsaw sa isyu.
- Isip-isip din sa iyong mga spiritual at political belief. Minsan mali na pala.
- Sunugin ang mga “memories” na nakapagpapalungkot sa iyo. Halimbawa love letters at iniregalo sa iyo ng “ex” na nagtaksil sa iyo. (Itutuloy)
Show comments