Last ticket
ISANG masayang pamilya na kinabibilangan ng mag-asawang Jenny at John Godson at dalawang batang lalaki noong 1979 ang namasyal sa Luna Park, isang amusement park na matatagpuan sa Sydney, Australia. Pagkaraan ng pagsakay sa iba’t ibang rides, nagpasya ang mag-aama na sa Fun Ghost Train nila gamitin ang last ticket na hawak nila. Ang ina ay nagpasyang huwag nang sumama, sa halip ay bumili na lang ng ice cream sa may di kalayuang stall.
Ilang minuto pa lang ang nakakaraan ay nagkagulo na sa bahaging may Ghost Train. May usok na lumabas mula sa tunnel na iniikutan nito. Kasabay ng paglutang ng usok ay sigawan ng mga tao. Hindi maitigil ang pagpapaandar sa train dahil kailangang palabasin ang bawat car. Hinihila na lang ng mga park employees ang mga pasahero ng bawat car. Sa kasamaang palad, namatay ang mag-aamang Godson. Sa kabuuan, anim na bata at isang matanda ang namatay.
Pagkatapos ng trahedya, maraming litrato ang nalathala sa diyaryo na may kinalaman sa sunog. Isang litrato ang nakatawag pansin kay Jenny—may isang “creature” na nakaakbay sa kanyang anak na si Damien. Ang “creature” ay nakasuot na evil-looking satanic headdress na mukhang gawa sa balat ng patay na hayop. Hinanap ang taong nakamaskara ngunit walang makapagsabi kung sino at ano siya sa park. Mukhang kinuha ang litrato bago sumakay ang mag-aama sa Ghost train.
Nag-research si Jenny at napag-alamang ang “creature” ay kamukha ni god Moloch. Sa Hebrew Bible, binanggit ang Canaanite deity na nagngangalang Moloch or Molech. Inaalayan siya ng kanyang tagasunod ng mga batang sinusunog ng buhay. Ang sunog kayang nangyari sa amusement park ay paraan lang para makapag-alay kay Moloch ng mga bata?
- Latest