Natutong kumanta si Jackie Chan sa China Drama Academy, isang Peking Opera School. Sa katunayan, ang singing at speaking voice niya ang ginamit sa Chinese version ng Mulan at Beauty and the Beast.
May isa siyang fan club na ang 10,000 members ay mga dalagita. Sila ang dahilan kung bakit iniiwasan niyang may sex scenes sa kanyang mga pelikula. Baka raw madiri ang mga ito sa kanya.
Ang pinakamahirap daw sa acting ay ang pagsasalita niya ng English. Mas mahirap pa raw ito sa mga ginagawa niyang buwis-buhay na stunts.
Bunga ng mga stunts na ginagawa niya, nabalian siya ng buto sa ilong, lulod, cheekbone, ulo at mga daliri ng kamay. May permanente na siyang butas sa kanyang bungo dulot ng isang aksidente habang ginagawa ang stunts.
Ang tangi niyang kinatatakutan ay injection at pagsasalita sa harap ng maraming tao.
Ang pinakamasakit niyang natamong injury sa pelikula ay noong aksidente siyang tinamaan ng chaku ni Bruce Lee.
Ang isa sa pinagsisisihan niya sa kanyang buhay ay hindi siya nakapagtapos ng anumang kurso sa kolehiyo.
Ginawaran siya ng Guinness Book of World Records ng “Most Film Credits” sa kanyang pelikulang Chinese Zodiac kung saan siya ang writer, director, lead actor, producer, executive producer, cinematographer, art director, unit production manager, stunt coordinator, prop man, gaffer, stuntman, composer, theme song vocalist, at catering coordinator.
May maganda siyang relasyon sa Mitsubishi Motors. Ang kompanyang ito ang laging nagdo-donate ng mga sasakyang kakailanganin niya sa pelikula.
Dumaan siya sa plastic surgery noong 1976 para ayusin ang kanyang eyelids at magkaroon ng “Western appearance”.
Kung gusto ninyong makita ang kanyang original look, panoorin ninyo ang kanyang 1976 film Shao Lin Mu Ren Xiang. Ito ang last film niya bago siya magpa-plastic surgery.