^

Punto Mo

Mga dapat tandaan sa pagtatanggal ng ­empleyado dahil sa pagkalugi

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Plano ko pong magbawas ng mga tauhan dahil sa nararanasang pagkalugi ng aking negosyo. Ano po ba ang mga kailangan kong malaman upang masigurado na sumusunod ako sa batas ukol sa pagtatanggal ng mga empleyado? —Jay

Dear Jay,

Unang-una, ang gusto mong mangyari na retrenchment o pagtatanggal ng empleyado ay kailangang bunsod ng labis na pagkalugi ng iyong negosyo. Ibig sabihin, hindi ito maaring dahil lamang sa kabawasan sa kita na karaniwan namang nararanasan ng mga negosyo.

Kailangan ay dahil ito sa kagustuhan mong makaiwas sa klase ng pagkalugi na maaring maging dahilan nang tuluyang pagsasara ng iyong negosyo at hindi mo ito ginagawang paraan lamang para alisin ang mga empleyadong gusto mo lang tanggalin sa trabaho.

Pangalawa, kailangang patas ang pagpili mo sa kung sino ang mga empleyadong matatanggal. Bukod sa kahalagahan ng kanilang posisyon, pinagbabasehan din ang seniority ng mga empleyado sa pagpili kung sino sa kanila ang kailangang matanggal.

Pangatlo, kailangan mong bigyan ng written notice hindi lamang ang mga empleyadong apektado sa gagawin mong pagtatanggal. Kailangan mo ring padalhan ng notice ang regional office mg DOLE na may sakop sa iyong establisimento. Ang parehong notice na ito ay kailangang maibigay isang buwan bago ang pagpapatupad ng tanggalan.

Panghuli, ang pagbabayad ng separation pay. Katumbas ito ng isang buwang sahod o  kalahating buwang sahod para sa bawat taon ng serbisyo ng empleyado, kung alin man sa kanila ang magiging mas malaking halaga base sa itinagal ng naging paninilbihan ng empleyado.

BANKRUPTCY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with