^

Punto Mo

Editoryal - Pag-angkat ng isda ‘di na ba ­masasawata?

Pang-masa
Editoryal - Pag-angkat ng isda ‘di na ba ­masasawata?

TULAD ng sibuyas, hindi na rin masawata ang pag-angkat ng isda. Kahit na paulit-ulit sabihin ng grupo ng mga mangingisda na sapat naman ang suplay ng isda, patuloy pa rin ang pamahalaan sa pag-angkat particular na ang galunggong. Sabi ng Department of Agriculture (DA), kakapusin ang suplay ng isda at walang magagawa kundi ang umangkat.

Kaya ngayon, hindi lamang agricultural products ang iniimport ng bansa kundi pati isda at karne. Ang bigas na isinasaing ay galing China at Thailand at ang pang-ulam na isda ay galing din sa China, Vietnam at Taiwan. Ang masaklap lang, ang iniimport na galunggong ay hinuhuli sa karagatang ari ng Pilipinas at saka ipagbibili sa Pilipinas din mismo. Ang galing!

Sa hinaharap, lahat nang pagkaing nasa hapag ng mga Pilipino ay pawang inangkat sa ibang bansa. Wala nang masasabing sariling produce na nasa hapag ng mga Pilipino. Maski ang asin ay iniimport na rin. Mahirap paniwalaan pero ito ang katotohanan at nangyayari na sa kasalukuyan. Sinabi ni President Marcos Jr. noong Hunyo na hindi niya matanggap sa kalooban ang ginagawang pag-angkat ng Pilipinas particular na ang agri products. Pero sa kabila ng kanyang sinabi, patuloy pa rin ang importasyon at walang senyales na matutuldukan.

Ang patuloy na pag-angkat ng isda ang pumapatay sa mga kawawang mangingisda. Wala na silang pinagkakakitaan dahil sa halip na ang kanilang huli ang bilhin, ang imported ang binibili dahil mas mura. Sa kabila ng pagtutol ng fisheries sector at iba pang grupo na wakasan na ang pag-angkat ng isda, hindi rin mapigil o masawata ang pamahalaan.

Noong nakaraang linggo, sinabi ng grupong Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (Pamalakaya) na nararapat nang wakasan o itigil ng pamahalaan ang importasyon ng isda sapagkat sobra nang naaapektuhan ang sector ng pangingisda. Hinihiling nila sa pamahalaan na itigil na ngayong taon na ito ang fish importation.

Pakinggan ang hinaing ng grupo ng mga ­mangingisda at pati ang mga lokal na mangingisda, itigil ang pag-angkat ng isda at buhusan ng pansin ang pagpapayaman sa sariling huli. Ayudahan ang mga mangingisda para may magamit sila sa pagpaparami ng kanilang huli.

FISH

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with