^

Punto Mo

EDITORYAL - Mag-i-import ng sibuyas, bakit?

Pang-masa
EDITORYAL - Mag-i-import ng sibuyas, bakit?

MARAMING aanihing sibuyas ngayong unang bahagi ng 2023 kaya nagpaalala na ang mga grupo ng magsasaka at nagtatanim ng sibuyas sa pamahalaan na dapat magkaroon ng cold storage facilities. “Bumper harvest” anila  ang mangyayari kaya sapat na sapat ang suplay. Paghandaan umano ang maraming sibuyas. Wala na umanong magiging problema at maaaring bumaba na nang todo ang ­presyo ng sibuyas. Sa kasalukuyan, naglalaro sa P380 ang bawat kilo ng sibuyas. Noong nakaraang ­Disyembre, umabot sa P750 ang bawat kilo ng sibuyas sa mara­ming palengke sa Metro Manila.

Pinatotohanan din naman ito ng Philippine Chamber of Agriculture and Food Inc. (PCAFI), ngayon daw Enero ay magsisimula na ang pag-aani ng sibuyas sa maraming lugar sa bansa. Dahil dito, kailangan ang sapat na storage para sa maraming sibuyas. Dapat daw itong paghandaan ng Department of Agriculture at baka masayang lang ang maraming sibuyas kung walang paglalagyan. Sinabi ng PCAFI na mayroon lamang 27 storage plants sa Metro Manila at dapat madagdagan pa para sa maraming aanihing sibuyas. May mga storage din sa ilang probinsiya pero hindi kakayanin dahil sa inaasahang dami ng iha-harvest na sibuyas.

Habang marami ang nagsasabi na magiging sagana ang ani ng sibuyas ngayong Enero, iba naman ang sinasabi ng Department of Agriculture (DA). Ayon kay DA spokesman Rex Estoperez, nararapat mag-angkat ng 22,000 metric tons ng sibuyas upang mapunan ang suplay sa bansa at upang mapababa rin ang presyo nito sa merkado. Ayon kay Estoperez, nais nilang dumating agad ang aangkating sibuyas bago ang Marso. Hahatiin umano sa bawat rehiyon ang mga aangkating sibuyas.

Bakit ganito na naman ang balak ng DA? Magkakaroon na ng sapat na sibuyas ngayong Enero pero ang pag-aangkat na naman ang kanilang balak. Taliwas ito sa sinabi ni President Marcos Jr. na hindi niya matanggap na umaangkat ng agri products ang bansa. Masakit umano ito sa kalooban niya.

Nakakaiyak ang balak ng DA na pag-angkat ng sibuyas. Wala na ba silang alam kundi ang mag-angkat nang mag-angkat? Nakapagdududa na ang balak ng DA. Habang umaangkat, patuloy din ang dagsa ng smuggled na sibuyas. Anong nangyayari sa DA?

ONION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with