1. Kung ikaw ay isang empleyado na ang trabaho ay laging nakaupo, ang sekreto ay “sit straight up at 90 degree angle”. Kapag naka-slouch, ang tendency ng muscle sa tiyan at lower back ay bumukol ito at naiipon sa waist. Kung naka-straight ka, parang nahihigit pataas at pababa ang muscle sa tiyan at lower back.
2. Sa mga empleyado pa rin, gumawa ng paraan para makatayo paminsan-minsan at makapaglakad upang hindi lang ikaw nakaupo sa buong maghapon.
3. Mag-hula hoop nang 15 minutes araw-araw. Mas mainam na gamitin ang hula hoops na mabigat para mahigpit itong kakapit sa baywang kapag pinaikot.
4. Habang nanonood ng TV, nakatayo, o kaya ay nakasakay sa jeep/bus at nasa gitna ng traffic: mag-exercise ng tiyan sa pamamagitan ng pagpigil ng paghinga ng one second. Ito yung ginagawa mo kapag gusto mong itago ang tambok ng iyong tiyan o para mag-flat ang tiyan kahit sa isang saglit lang. Huwag itong gagawin kapag tumatakbo ang sasakyan at baka mapasuka. Kung nasa bahay, gawin ang nabanggit na exercise sa tiyan ng 100 times araw-araw.
5. Uminom ng muna ng tubig bago kumain para mabilis makaramdam nang pagkabusog.
6. Iwasang magpakabusog as in bundat na bundat. Ito talaga ang nakalalaki ng tiyan. Mas mainam na kumain ng 6 times na tig-kakaunti sa maghapon kaysa 3 times lang pero bundat na bundat sa kabusugan every meal.
7. Piliing kainin ang brown rice. Bukod sa mayaman sa fibers, kakaunti lang ang iyong makakain dahil mabilis makabusog.