^

Punto Mo

May kinakabahan sa napipintong balasahan at sibakan

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

ALINGAWNGAW ng pangamba ang bumabalot sa maraming opisyales ng gobyerno sa pagpasok ng 2023. Nangangapa sa di­lim ang mga datihan nang ­opisyales na walang malakas na padrino at nagkukumahog naman ang mga pinangakuan ng puwestong masabaw.

Marami sa nakaupong opisyales sa gobyerno ay appointees pa ng dating administrasyon na binigyan ng bonus na termino dahil hindi naman naging oposisyon sa liderato ni Pres. Bongbong Marcos. Ewan ko lang ang appointees na may bendisyon ni Atty. Vic Rodriguez, ha-ha-ha!

Isa sa pinakikiramdaman ay ang mga nakaupong mga lumang opisyales ng Bureau of Customs at Department of Agriculture na malaki ang naging kasalanan sa smuggling ng agricultural products tulad ng bigas, sibuyas, gulay, karne at isda na nagpahirap sa mga magsasaka at legal na negosyante.

Halos kapatid ng BoC at Department of Agriculture ang Department of Environment and Natural Resources. Ang DENR ang nangangasiwa ng mga lupa ng gobyerno na sinasalanta ng mining industry at pumapatay sa pangkabuhayang nagmumula sa kabundukan at mga ilog.

Sa pagpasok ng Bagong Taon, kalabitin nawa ng Diyos ang mga nananampalasan sa bayan. Ang mga makapangyarihang pulitiko na pasimuno sa pagsira ng kalikasan at pangungurakot sa kaban ng bayan. Maimbitahan nawa sila sa langit upang mag-seminar. Ayos di ba?

Nakakangilo na pero hindi ko muna papangalanan ang mga tumatampalasan sa bayan pero handa na ang listahan nila. In fairness, abiso at paalaala muna ang hatid ng alingawngaw.

Kung naghahanap nang matibay na padrino ang mga dayukdok, subukan na nilang lumipat ng relihiyon. Maluwag ang templo ng satanisno sa kanila, he-he!

Manigong Bagong Taon sa lahat!

 

OFFICIALS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with