^

Punto Mo

EDITORYAL - Bantayan, mga bata sa paputok

Pang-masa
EDITORYAL - Bantayan, mga bata sa paputok

AYON sa Department of Health (DOH) mababa ang bilang ng mga napuputukan ngayon hindi katulad ng mga nakaraang taon na marami ang naputukan. Gayunman, nagpaalala pa rin ang DOH na umiwas ang mamamayan sa mga mapanganib na paputok. Bantayan ang mga bata sapagkat ang mga ito ang lagi nang napapahamak. Gaya nang nangyari sa tatlong bata na edad 7 sa San Nicolas , Iriga City noong Biyernes na nasabugan sa kamay nang sindihan ang pinulot na kuwitis. Ayon sa tiyahin ng biktima, nakapulot ang tatlong bata ng kuwitis sa likod ng bahay. Sinindihan nila ito pero sumabog sa kanilang kamay. Dinala sa ospital ang mga bata.

Kadalasan, napapahamak ang mga bata sa di­nadampot na paputok. Pagdampot ay saka naman ito pumuputok at ang resulta, lasog ang daliri. Mayroon ding tinatamaan sa mata na nagiging dahilan nang pagkabulag. Mahalagang masubaybayan ang mga bata upang hindi mapahamak sa mga ipinagbabawal na paputok.

Nagpahayag ang Philippine National Police (PNP) na mahigpit nilang binabantayan ang mga lugar na nagkakaroon ng bentahan ng mga illegal na pa­putok. Ayon kay PNP chief General Rodolfo Azurin, maraming pulis ang nakakalat at iniinspeksiyon ang mga ibinibentang paputok at baka mayroong mga ipinagbabawal sa mga ito.

Sa ipinalabas na kautusan, mahigpit na ipinagbabawal ang mga paputok na gaya ng sawa, Judas Belt, Goodbye Philippines, piccolo, boga at iba pang nakapipinsalang paputok. Sinabi ng PNP na uso na rin ang online transaction sa paputok. Dinideliber umano sa bahay ang mga paputok sa kabila na mahigpit itong pinagbabawal. Paigtingin pa ng PNP ang pagmamanman sa bentahan ng paputok.Ayon sa PNP, may kaparusahan ang sinumang mahuhulihan ng mga nabanggit na paputok.

Mababa pa ang naitatalang nasusugatan sa pa­putok pero maaaring tumaas ito habang papalapit ang Bagong Taon. Maaaring hindi pa ginagamit ang mga patagong biniling paputok at sa mismong Bagong Taon sisindihan. Dapat dagdagan pa ang pagpapa­trulya ng PNP upang mapigilan ang patagong bentahan. Maganda naman ang payo ni Pres. Ferdinand Marcos sa local government units na para maiwasan ang disgrasya sa paputok, magtayo ng common fireworks area sa bawat barangay. Kung may isang lugar na panonooran ang mga tao, wala nang magpapaputok.

vuukle comment

FIRECRACKER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with