SINASAKLOT na ang mundo ng kahirapan at kung hindi magbabago ang kaisipan ng mga namumuno ng bawat bansa na unahin ang pagpapaunlad ng agrikultura, malamang na pandaigdigang gutom ang daranasin.
Ang mga bansa sa Southeast Asia tulad ng Pilipinas, Vietnam, Indonesia, Malaysia, Brunei, Myanmar, Cambodia, Thailand, Laos, Singapore, Japan at Timor-Leste ay mas mapalad dahil kaayon natin ang klima upang mapalago ang produktong pang-agrikultura.
Malaking bahagi ng agricultural products na nagmumula sa China na kabahagi rin ng Asian Region ang inaangkat nang malalaking bansa tulad ng U.S. at European countries na walang inatupag kundi magbenta ng mga armas panggiyera.
Isang pandemic lamang ang nagpalugso sa ekonomiya ng halos buong mundo dahil mas inuna pa ang paghahanda at paglahok sa giyera kaya nakaligtaan ang importansiya ng pangangalaga sa kalikasan at agrikultura.
Saklaw ng pulitika ang magplano sa ikabubuti ng bayan. Nasa kamay nila ang kapangyarihan na magdesisyon kung ano ang mas mabuti para sa mamamayan. Marami sa kanila ang nagpapayaman mula sa kaban ng bayan na inuutang pa sa ibang bansa.
Kaya nating gayahin ang ginawa ng Singapore. Ang Singapore noong nagsisimula pa lamang sila sa pagpapatatag ng ekonomiya, ipinagkatiwala ng mamamayan nila ang pananalapi sa lider nilang si Lee Kuan Yew. Maharlika, ikaw na ba yan? He-he!