1. Kung ano ang madalas kainin ng iyong nanay noong ipinagbubuntis ka
Isa sa madalas niyang kainin ang iyong magiging paboritong pagkain paglaki mo. Sa isang pag-aaral na ginawa ng Monell Chemical Senses Center sa Philadelphia, pinainom nila ng carrot juice ang mga buntis (hindi binanggit kung gaano katagal) hanggang sa manganak at nagpapasuso na ng kanilang sanggol.
Nang sumapit ang panahon na puwede nang pakainin ng carrot flavoured cereal, natuklasan ng mga researchers na naubos ng mga sanggol ang cereals na ibinigay. Ibig sabihn, type nila ang lasa ng kanilang kinakain. Hindi kataka-taka kung bakit nagkaganito: Fetus pa lang sa sinapupunan ay may flavour nang carrots ang amniotic fluid na nakapaligid sa kanya. At hindi maipagkakaila na ang breast milk na kanilang sinuso ay posibleng may carrot flavour.
Pinakain din ng carrot flavoured cereal ang isang grupo ng mga sanggol na ang ina ay hindi nakaranas uminom ng carrot juice sa buong buhay nila. May kumain pero kaunti lang at mayroong ayaw talagang kumain. Iyon ang nagpatibay sa hinala ng mga researchers na kung ano ang paboritong kainin ni Nanay noong nagbubuntis pa lang, iyon din ang magugustuhang kainin ng baby.
2. Kung ano ang nakasulat sa package ng pagkain
Sa isang experiment na ginawa, ang isang balot ng bologna ay nilagyan nila ng label na full-fat bologna. Ang isang balot naman ay may label na low-fat bologna. Background: Sa U.S., mas alam ng nakararami na mas maraming fat ang bologna, mas masarap ito. Nagpa-taste test ang mga researchers. Alin sa dalawa ang mas masarap? Majority ng respondents ay hindi nasarapan sa low-fat bologna na lingid sa kaalaman nila ay full-fat bologna rin.
(Itutuloy)