^

Punto Mo

Hiniram na libro, inabot ng 120 taon bago naisauli sa school library!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG school sa Queensland, Australia ang naiulat kamakailan na nakatanggap ng libro na hiniram sa kanilang library noon pang 1902!

Mababasa sa post ng official Instagram account ng Toowoomba Grammar School (TGS), na isang kopya ng nobelang Great Expectation ni Charles Dickens ang isinauli sa kanilang library ng lalaking nagngangalang John Lamb.

Ang lolo ni John Lamb na si Arthur Lamb ay naging estudyante ng TGS noong school year 1902-1903. Hiniram ni Arthur ang libro noong 1902 at hindi na niya ito naibalik pa dahil tumigil na siya sa pag-aaral.

Ayon kay John Lamb, natuklasan nila ang isang kahon sa kanilang tahanan na puno ng mga kagamitan ni Arthur at isa na rito ang kopya ng Great Expectations. Dahil nasa magandang kondisyon pa ang libro, napagpasyahan ng pamilyang Lamb na ibalik ang libro kahit 120 years na itong overdue.

Pinasalamatan ng pamunuan ng TGS si John Lamb at pamilya nito sa pagsasauli ng libro. Pabirong nakasaad sa nasabing Instagram post na hindi na nila siningil ng overdue fees ang pamilya Lamb.

vuukle comment

BOOKS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with