• Kapag ikaw ay nasa hotel or restaurant, mas marami kang inilalagay na gatas, asukal or creamer kaysa kapag nasa iyong bahay…may tsansa kang maging corrupt kung may pagkakataon at kapangyarihan.
• Kapag nasa public toilet o restaurant, wala kang kahina-hinayang kung gumamit ng tissue at sabon kaysa kapag nasa sarili mong pamamahay…mabilis kang matuksong maglustay ng hindi mo pera.
• Mas matakaw ka sa wedding/birthday party o buffet restaurant kung saan iba ang nagbayad…kung mabibigyan ka ng kapagyarihan, kakainin mo rin ang pera ng bayan.
• Kung magaling kang lumusot sa mahabang pila at nagagawa mong mauna nang hindi pumipila…kakayanin mong mantapak ng ibang tao, upang matupad lang ang pangarap.
• Kung ikaw ay “man in uniform” at hindi nakokonsensiyang mangotong…then, senyales iyon na ikaw ay isang magnanakaw.
• Kung apelyido ng isang tao ang una mong inaalam kaysa kanyang first name…ikaw ay manggagamit at namimili ng taong pakikisamahan base sa kasikatan at yaman ng kanilang angkan.
• Kung kaskasero ka at hindi marunong gumalang sa traffic rules…kaya mong manakit o pumatay makarating ka lang sa iyong paroroonan.