^

Punto Mo

Compatible kidney  

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

ANG kanyang ina ay GRO sa dating sikat na establishment sa kahabaan ng Quezon Boulevard. Nabuntis siya nang hindi alam kung sino ang ama nang dinadala niya dahil siyempre, iba’t iba ang nakakapiling niyang lalaki gabi-gabi. Wala siyang kamag-anak dito sa Maynila kaya humingi siya ng tulong sa madreng kapatid ng kanyang kasera. Ipinasok siya ng madre sa home for the unwed mothers. Matapos manganak ay iniwan nito ang anak sa pangangalaga ng mga madre. Ang bahay ampunan na pinaglagakan sa sanggol ay may mga sponsors na Pilipinong naninirahan sa U.S. Isa rito ang mabait na mag-asawang walang anak. Sila ang umampon sa anak ng GRO.

Nagpasya ang mag-asawa na dito na muling manirahan sa Pilipinas kasama ang inampon na sanggol. Sa kabila ng pagiging sakitin ng sanggol: asthma, ear infection at mahinang lungs, hindi iyon nagpa-turn off sa mag-asawa para ituloy nila ang pag-ampon. Ipinagamot nila ang bata hanggang sa lumaki itong masigla at malusog.

Noong 29-anyos na ang ampon, nagkaroon ng sakit sa bato ang inang umampon. Ipinag­tapat ng doktor na kailangan nito ng kidney transplant. Ini-offer ng ampon ang kanyang kidney ngunit tumutol ang mag-asawa. Hindi raw nito kailangang magsakripisyo para tumanaw ng utang na loob. Sapat na raw ang kaligayahang idinulot nito sa kanila. Isa pa, kapamilya or kadugo ang kailangang maging donor para malaki ang chance na magka-match ang organ at tissue. Ilan sa mga kapamilya ay nag-offer ng kanilang kidney ngunit bigo na mag-match ang kanilang organ at tissue.

Magkaganoon pa man, lihim na kinausap ng ampon ang doktor ng ina. Nag-request ito na isailalim siya sa iba’t ibang test upang makita kung compatible donor siya. Alam ng doktor na siya ay ampon lamang. Pagkatapos ng lab test, nagulat ang doktor na compatible pala siyang maging donor ng ina. Pahina na nang pahina ang katawan ng ina kaya kaagad na isinagawa ang kidney transplant operation. Pagkatapos ng matagumpay na operasyon ay pasalamat na pasalamat ang mag-asawa sa kanilang ampon.

Kung milagrong maituturing ang pagiging compatible ng kidney ng ampon sa kanyang kinagisnang ina, ito ay dulot marahil ng kabutihang ginawa ng mag-asawa sa noo’y inabandonang sakiting sanggol.

GRO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with