Mga katotohanan sa pagkatao
• Tunay na pag-ibig ang nadarama ng isang lalaki kung mas binibigyan niya ng importansiya ang pagkatao ng babae kaysa panlabas nitong hitsura.
• Nababawasan ng interes ang lalaki sa babaeng karelasyon kung lagi na lang itong available sa bawat oras at desperado lagi sa kanyang atensiyon.
• Ugaling nakakawala ng respeto: 1) Nagsasalita pa ang kausap ay sumasatsat na ito; 2) Mahilig manira; 3) Dagdag-bawas Queen. Dinadagdagan o binabawasan ang katotohanan; 4) Mahilig magsamantala sa kabaitan ng ibang tao; 5) “Super nega”, kahit anong ganda ng pakisama mo, lagi kang pag-iisipan nang masama; 6) Mambobola pero halata namang ginagago ka lang.
• Base sa research, kung ikaw lagi ang nauunang mag-text, 90 percent ang tsansang hindi siya interesado sa iyo.
• Limang tao na sisira sa buhay mo: 1) Manggagamit. Mamahalin ka lang niya hangga’t napapakinabangan ka; 2) Reklamador. Ninanakaw niya ang iyong katahimikan dahil lagi mong naririnig ang kanyang mga reklamo sa buhay pero wala namang ginagawa para baguhin ang sitwasyon niya; 3) Mahilig manisi. Ang mga kabiguan niya ay kasalanan ng ibang tao. Hindi siya umaako ng kanyang pagkukulang at pagkakamali; 4) Competitor. Ang tingin niya sa iyo ay laging kalaban. Sisiguruhin niyang lagi ka niyang matatalo sa lahat ng bagay: school, career, love, etc; 5) Abusado. Una, Inaabuso niya ang pagiging mapagpatawad mo kaya paulit-ulit ang ginagawang pananakit ng iyong kalooban at minsan pinipisikal ka na niya. Pangalawa, Inaabuso niya ang iyong pagtitiwala. Panghuli, Inaabuso niya ang iyong katapatan.
- Latest