1. Sikreto ng iyong tagumpay. Kapag ipinagsabi mo, gagayahin ito ng ibang tao, tapos kung papalpak sila, pagbibintangan kang hindi totoo ang iyong sinabi at ikaw pa ang sisisihin.
2. Huwag ipagtapat ang iyong personal na problema kahit sa kaibigan mo. Bubuksan mo lang ang sarili mo para pagtsismisan. Tandaan mo, ang iyong kaibigan ay may sarili ring kaibigan na puwede niyang pagkuwentuhan ng problemang ipinagtapat mo sa kanya.
3. Huwag mong ipagtatapat ang iyong mga pinaplano. Ang psychological effect dito, sa pagtatapat ng iyong mga pangarap sa ibang tao ay tatamarin ka nang isakatuparan ito dahil sa pagkukuwento mo, ang excitement at enthusiasm ay nabawasan na. Isa pa, malay mo, lihim na kinokontra ng iyong kausap ang iyong mga plano sa buhay dahil hindi siya bilib sa iyo.
4. Huwag mong ipagtatapat kung magkano ang kinikita mo o personal finance. Lilikha lang ito ng inggit sa iyong kausap. Mahirap din may naiinggit sa iyo dahil ito ay magiging “evil eye” na magdudulot ng kamalasan sa buhay mo at sa buhay ng inggitera. Hayaan mong siya na lang ang mabuhay sa kamalasan at huwag ka nang madamay pa.
5. Huwag mong ipagtatapat ang iyong sakit. Doktor lamang at immediate family ang dapat na makaalam. Minsan ipino-post pa sa social media ang sakit na pinagdadaanan maliban lang kung humihingi ka ng donasyon sa publiko. Pero kung hindi naman, huwag na lang dahil mas marami ang basher kaysa sa symphatizer sa social media at sa tunay na buhay.