^

Punto Mo

Photographer, nahikayat ang 2,500 katao na makunan ng picture habang mga hubo’t hubad!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

LIBU-LIBONG volunteers sa Australia ang nag hubo’t hubad para sa isang naked photo shoot na naganap sa Bondi Beach sa Sydney!

Nagsama-sama ang 2500 volunteers para maging bahagi ng proyekto ng sikat na U.S. photographic artist na si Spencer Tunick. Kilala si Tunick sa kanyang mga naked photo shoots na ang backdrop ay mga sikat na landmarks sa buong mundo.

Maraming Australians na nahikayat si Tunick na sumali dahil ang pakay ng naked photo shoot na ito ay ipalaganap sa madla ang kaalaman tungkol sa skin cancer.

Sa pag-aaral na isinagawa ng World Cancer Research Fund International, ang Aus­tralia ang bansang may pina­ka­maraming skin cancer.

Kasama ni Tunick sa pro­yektong ito ang charity na Skin Check Champions. Ang charity na ito ay nagbibigay ng libreng check-up sa balat sa buong Australia.

Ilang linggo bago ang naked photo shoot, umaasa ang mga organizers na umabot man lang sa 2,000 katao ang dumalo upang maisimbolo nito ang statistics na mahigit 2000 Australians ang namamatay sa skin cancer taon-taon.

Ikinatuwa ni Tunick at ng Skin Check Champions ang turnout ng event. Dalawang libong tao lamang ang ina­asahan nilang sasali sa photoshoot ngunit sumobra pa ng 500 katao ang nag-volunteer.

PHOTOGRAPHER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with