Life fact

Magsisimula ang iyong kaligayahan kung ititigil mo ang pagkukumpara ng iyong sarili sa ibang tao.

Ang taong laging sumasayaw kahit sa isang saglit lang lalo na kung nakakarinig ng tugtugan ay mas mataas ang tiwala sa sarili at madalas na positibo ang pananaw sa buhay.

Ang mas matatandaan ng ibang tao sa iyo ay hindi ‘yung sinabi mo sa kanya kundi ang ipinadama mo sa kanya.

Malaki ang pag-asa na matupad ang iyong pangarap kung ito muna ay sasarilinin at ipagsasabi lang kung natupad na.

Ang pinakaunang humihingi ng paumanhin ay pinakamatapang; ang pinakaunang nagpapatawad ay pinakamalakas at ang pinakaunang lumilimot ng masamang pangyayari ay ang pinakamasayang tao sa balat ng lupa.

Hindi mo alam kung gaano kaimportante ang isinusuot mong sapatos. Kadalasan ang mga tao ay dito ibinabase ang kanilang first impression sa ibang tao.

Ang mga tinedyer ang “misunderstood creatures on earth”. Tinatrato silang mga bata; ngunit inaasahang kumilos ang mga ito ng asal-matanda.

Ang pagkausap sa sarili ay nakakataas ng concentration at mental recall.

Ang pakikinig sa musika ng athletes or joggers ay nakakatulong upang mas bumilis pa ang kanilang pagtakbo.

Kung ang kausap mo ay inilagay ang kanyang hintuturo malapit sa kanyang ilong habang nagsasalita ka, ibig sabihin, hindi siya naniniwala sa iyo.

Ang problema ay hindi ‘yung kinakaharap mong problema kundi ‘yung reaksiyon mo doon sa problema.

Show comments