^

Punto Mo

EDITORYAL - Ibawal nang tuluyan ang paputok

Pang-masa
EDITORYAL - Ibawal nang tuluyan ang paputok

MAY sumabog na ilegal na pagawaan ng paputok sa Calamba, Laguna noong Biyernes na ikina­matay ng limang tao. Kabilang sa mga namatay ang 83-anyos na lola na umano’y trabahador doon. Sa tindi ng pagkasunog ng lima, hindi na makilala ang mga bangkay ng mga biktima. Kailangan pang isailalim sa DNA test ang mga biktima para makilala. Limang bahay naman ang nadamay sa pagsabog.

Ayon sa mga kapibahay, hindi nila alam na pagawaan ng paputok ang bahay na pinagmulan ng pagsa­bog. Pagkatapos ng pagsabog, sumiklab ang apoy at mabilis na kumalat sa mga katabing bahay. Kinasuhan na ang may-ari ng bahay na nagsabing napanood lamang umano niya sa Youtube ang paggawa ng kuwitis.

Kung ang mga kapitbahay ay nagulat sa pagka­karoon ng illegal na gawaan ng paputok, mas lalo ang mga barangay officials na lubhang nagtaka kung paano nakapasok ang mga gamit sa paggawa ng paputok. Hindi talaga malalaman ng barangay officials sapagkat hindi naman sila nagmamatyag  sa kanilang nasasakupan.

Noong Nobyembre 3, may naganap ding pagsabog sa isang illegal na gawaan ng paputok sa Santa Maria­, Bulacan na ikinasugat ng 10 tao. May nagtamo ng second­ degree burns. Kinasuhan na ang may-ari ng gawaan ng paputok.

Habang papalapit ang Pasko at Bagong Taon, dumarami ang kaso ng pagsabog ng mga pagawaan ng paputok na karaniwang nasa mga residential areas. Mahigpit na pinagbabawal ang paggawa ng paputok at kailangang may business permit at nararapat na malayo sa kabahayan. Subalit ngayon ay hindi na ito nasusunod at marami ang gumagawa ng paputok sa loob ng subdibisyon.

Tiyak na marami pang pagsabog mula sa firecrackers­ factory ang magaganap kaya nararapat nang maging­ mapagbantay ang mga awtoridad partikular ang barangay officials. Magkaroon ng pagroronda sa mga subdibisyon upang masiguro na walang makapapasok para magtayo ng illegal na gawaan ng paputok. Maging alerto naman ang mga residente at baka ginagawa ng imbakan ng pulbura ang kalapit nilang bahay. Ipagbigay-alam sa barangay o pulisya. Marami ang madadamay at magbubuwis ng buhay sa illegal na paggawa ng paputok. Dapat matigil na ito. Ibawal na ang paggawa ng mga paputok.

FIRECRACKER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with