^

Punto Mo

3 gang leaders sa NBP, may pasabog vs ­Bantag!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

MAY pasabog ang tatlong gang leaders sa National Bilibid Prisons (NBP) laban kay ex-BuCor chief Gerald Bantag. Gagawa ng ala-documentary sina Aldrin Galicia ng Sputnik, Alvin Labra ng Batang City Jail at Ariel Penaderonda ng Happy-Go-Lucky para ibulgar ang tunay na nangyayari sa loob ng NBP noong nakaupo pa si Bantag. Panay kasi media blitz ni Bantag kung saan pinagsinungalinan niya ang mga natuklasan sa ekta-ektaryang NBP nang pumalit sa kanya si BuCor OIC Gregorio Catapang.

Ayon kay Bantag, ang sandamakmak na beer at shabu na nakukuha ni Catapang sa loob ng NBP ay set-up lang para sirain ang imahe niya sa sambayanan. Dipugaaaaa! Hindi pa nasasagot ni Bantag ang bagong tuklas ni Catapang na mga kabayo at pansabong na manok sa NBP.

Sina Labra, Galicia at Penaredonda ay kasalukuyang nakakulong sa National Bureau of Investigation dahil sa pagkasangkot nila sa pagpatay kay hard-hitting journalist at commentator na si Percival Mabasa aka Percy Lapid at middleman na si Jun Villamor. Siyempre, deny to death si Bantag sa kaso nina Ka Percy at Villamor, maging sa mga natuklasang ilegal sa loob ng NBP. Mismooooo! Hak hak hak! Sa public opinion pa lang ang laban kaya panay presscon ni Bantag para makakuha ng simpatya sa sambayanang Pinoy. Eh di wow!

Sasabihin din ng tatlong gang leaders sa kanilang ala-documentary na bukal sa loob nilang ibinigay ang kanilang mga salaysay o statements sa kaso nina Ka Percy at Villamor dahil ‘yun naman ang nangyari. Igigiit nilang hindi sila tinakot, pinilit, o tinuruan at higit sa lahat ay binayaran. Walastik! Sasabihin din ng tatlo sa kanilang pasabog na itong canned beer, shabu at tupada sa loob ng NBP ay “kalakaran” na at hindi totoong hindi ito alam ni Bantag. Puro sentensiyado kasi ng life imprisonment sina Labra, Galicia at Peneredonda kaya tumagal na sila sa kulungan.

Kahit wala pa si Bantag sa BuCor ay nagtatamasa na ang mga maykayang preso, lalo na ang drug lords, sa canned beer, shabu at tupada. May nakakalusot pa ngang bebot o minsan ay mga starlets, anila. Ano ba ‘yan? Hehehe! Sino kaya ang dapat paniwalaan, ang tatlong gang leaders o si Bantag? Ano sa tingin n’yo mga kosa? Dipugaaaaa!

Hindi naman masabi ng mga kosa ko kung ang documentary kuno ng tatlong gang leaders ay makakatulong para idiin si Bantag at deputy niya na si Ricardo Zulueta na kinasuhan ng double murder dahil sa pagpatay kina Ka Percy at Villamor. Ang sigurado lang, ay giba na naman ang imahe ni Bantag sa mga Pinoy, maliban lang sa supporters ni Tatay Digong o mga alipores niya sa Cordillera Region.

Kung sabagay, diskarte ni Bantag ang media blitz niya at karapatan niya ‘yan. Walang kokontra ha? Inisyuhan na ng subpoena sina Bantag at Zulueta kaya malapit nang magdesisyon ang korte sa kaso nila. Eh di wow! Hak hak hak! Excited na ba kayo sa kahihinatnan ng kaso ni Bantag mga kosa? Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan? Abangan!

 

NATIONAL BILIBID PRISONS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with