^

Punto Mo

EDITORYAL – Malalagim na sunog

Pang-masa
EDITORYAL � Malalagim na sunog

Noong Lunes, sumiklab na naman ang sunog sa Navotas at lima katao ang namatay. Noong nakaraang Nobyembre 4, may nangyari ring sunog sa Navotas na ikinamatay ng anim na miyembro ng pamilya. Patay ang mag-asawa at kanilang tatlong anak at isang pamangkin. Naganap ang sunog ng madaling araw. Na-trap ang mga biktima sapagkat napapaligiran ng iron grills ang buong bahay. Faulty electrical wiring umano ang dahilan ng sunog.

Noong Nobyembre 1, nagkaroon ng sunog sa isang residential area sa Taguig at ilang bahay ang nasunog. Wala namang nasaktan. Hindi nabatid ang dahilan ng sunog. Noong Nobyembre 3, isang sunog ang naganap sa Brgy. Bayanan, Muntinlupa na tumupok sa ilang bahay at ikinasugat ng isang babae. Noong Sabado nagkaroon din ng sunog sa Tondo, Maynila kung saan isang 79-anyos na lola ang namatay. Mabilis na kumalat ang apoy sa mga katabing bahay. Ayon sa mga rumespondeng bumbero, naiwanang kalan ang pinagmulan ng sunog.

Ngayong palapit nang palapit ang Pasko, marami nang nagsisindi ng ilaw sa kanilang parol at Christmas lights. Karaniwang inilalagay ang Christmas lights sa Christmas tree at meron din sa mga bintana at pintuan. Ang iba, pati ang hagdanan ay may Christmas lights para maliwanag at madama ang diwa at saya ng Pasko.

Sa ganitong panahon din naman naglulutangan ang mga depektibong Christmas lights na nabibili sa murang halaga. Maraming ibinebenta sa sidewalk at maski sa Divisoria. Nakaaakit ang iba’t ibang kulay ng Christmas lights at mahihikayat ang marami na bumili.

Dapat maging maingat o huwag tangkilikin ang mga Christmas lights na binebenta sa bangketa sapagkat mabilis masunog ang mga ito. Pumuputok ang wire at bulb at nagiging sanhi ng sunog. Sa isang iglap kakalat ang apoy sa kurtina at matutupok ang bahay.

Ang ganitong pangyayari ay nagpapaalala sa nangyari sa bahay ni dating House Speaker Joe de Venecia ilang taon na ang nakararaan. Nasunog ang bahay ng House Speaker at nadamay ang kanyang anak na babae. Dahil sa depektibong pailaw, may nagbuwis ng buhay.

Mag-ingat sa mga patakbuhing Christmas lights. Bumili ng may PS mark at dumaan sa quality control. Huwag isapalaran ang buhay sa mga depektibong pailaw ngayong Pasko.

Ibayong pag-iingat ang kailangan upang makaiwas sa sunog. Huwag hayaang maging malungkot ang Pasko at Bagong Taon.

SUNOG

  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->