^

Punto Mo

8 skydivers na lolo, nakatanggap ng Guinness World Record matapos mag-skydiving nang sabay-sabay!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

WALONG skydivers na may edad na hindi bababa sa 80 ang nakatanggap ng Guinness World Record title na “Largest Formation of Jumpers Over the Age of 80”.

Pinatunayan nina Jim Culhane, Cliff Davis, Scotty Gallan, Walt Green, Paul Hinen, Sky Humminsky, Woody McKay at Ted Williams na hindi hadlang ang edad para mapabilang sa Guinness Book of World Records.

Ang walong skydivers ay miyembro ng grupong Jumpers Over Eighty Society (JOES). Ang JOES ay kinabibilangan ng mga beteranong skydivers na may mga malalaking ambag sa modern sport of skydiving.

Ayon sa isang miyembro ng JOES na si Cliff Davis, ginawa nila ang record breaking attempt na ito upang ipakita na ang kanilang kakayahan at pagkabihasa sa skydiving ay walang kupas at hindi nabubura ng matandang edad.

Naganap ang record breaking attempt sa Skydive DeLand, isang lugar sa Orlando, Florida kung saan madalas nangya­yari ang skydiving events.

SKYDIVING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with