Babae sa South Africa, nakatanggap ng Guinness nang makapagtimpla ng 249 tasa ng tsaa sa loob ng 1 oras!
NAKAPAGTALA ang South African woman na si Ingar Valentyn ng bagong world record matapos siyang makapagtimpla ng 249 tasa ng roobois tea sa loob lamang ng isang oras.
Sa kanyang world record attempt, pinili ni Valentyn ang roobois tea dahil isa itong native tea na nagmula sa South African Aspalathus linearis shrub. Inihanda niya ang tsaa para ipainom sa mga estudyante at residente ng Wupperthal.
Upang matalo niya ang previous record holder, kailangang 150 tasa ang matimplang tsaa ni Valentyn. Pagkatapos ng kanyang record attempt, ikinagulat niya na lumampas pa rito ang kanyang nagawa at umabot ng 249 na tasa ang kanyang natimpla.
Ang record attempt na ito ay ginawa ni Valentyn upang i-promote ang turismo ng Wupperthal.
- Latest