^

Punto Mo

Ang lamay ng matandang dalaga

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

NOONG kanyang kabataan, malakas siyang kumita pero palibhasa ay pusong lalaki, naubos ang pera niya sa mga babae. Nang tumanda ay iniwan siya ng huling karelasyon dahil pinili pa rin nitong magpakasal sa lalaki. Tumanda siyang nag-iisa. Nabuhay siya sa maliit niyang pensiyon at sa perang bigay ng mga kamag-anak. Pati ang pambili ng kanyang maintenance medicine ay mula sa mga mabubuti niyang kamag-anak.

Isang araw, isinugod siya sa ospital. Pagkaraan ng ilang araw, binawian siya ng buhay. Ang ipinambayad sa ospital at funeral service ay mula pa rin sa pag-aambagan ng mga kamag-anak.

Simula nang iladlad niya ang kanyang gender preference, naging happy go lucky na siya. Papalit-palit ng karelasyon pati na ang kanyang relihiyon. Ang buong angkan niya ay Katoliko kaya siya lamang ang nag-iisang nagpalit ng relihiyon. Magkaganoon pa man ay hindi siya pinakialaman sa kanyang naging desisyon.

Sa ikalawang gabi ng lamay, may ilang taong dumating at nagpakilalang kasamahan daw sila sa relihiyon ng namatay na matandang dalaga. Ang lakas ng loob na mag-demand sa kamag-anak ng namatay na tanggalin daw ang malaking krus na may nakabayubay na Hesukristo. Kasama ito sa set-up ng kabaong na kinahihimlayan ng namatay. Hindi lang ‘yun ang request ng mga bisita, huwag na raw idadaan sa simbahan at pamimisahan ang patay. Idiretso na raw dapat ang patay sa sementeryo.

Simple lang ang naging sagot ng mga kamag-anak para wala nang pagtatalo pang maganap: “Kung ano ang ginagawa naming mga Katoliko sa aming pumanaw na mahal sa buhay, iyon ang susundin namin.”

Pagkaalis ng mga bisita, saka lang kumawala ang mga salitang pinipigilang masabi ng mga nabubuwisit na kamag-anak: “Ano bang ambag n’yo at kung makadikta kayo ng gagawin sa patay ay parang mga hari?” Ni isang dasal ay hindi man lang inalayan ang patay at ‘yung mga demands nila agad ang inilatag sa mga kamag-anak.

WAKE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with