Ano ang ipinagkaiba ng kaso ni De Lima sa 900 kilos ng shabu?

FLASH Report: Pito katao ang dinamba ng pulisya habang nagsusugal ng drop ball sa carnival ni alyas Noime sa Cavite City. Nagpalusot si Noime ng drop ball sa buong akala na hindi na ‘sya mapapansin ni Col. Christopher Olazo, ang PD ng Cavite, matapos ibulgar ng DIPUGA ang pasugalan n’ya sa gitna ng carnival niya. ‘Yan ang malaking pagkakamali ni Noime.

Nakumpiska ng intel operatives ng Cavite PPO sa mga suspects ang two balls, two boards intended for drop balls, at bet money na P2,140. Kung ang isasampa na kaso laban sa bataan ni Noime ay ang amended na anti-illegal gambling law, tig-P30,000 ang piyansa kada tao kaya’t aabot sa P210,000 ang gastusin ni Noime. Maliban pa yan sa pagkain nila. Get’s n’yo mga kosa?

Kaya naman malakas ang loob ni Noime kasi inisyuhan ni Cavite City Mayor Denver Chua ng permit ang carnival n’ya. Hindi ko sinasabi mga kosa na nakasandal si Noime kay Mayor Chua ha? Na-monitor ko pa nga na palaging naka-plug sa TV itong carnival ni Noime kaya dinudumog ng Caviteño ang mga bagong rides n’ya, pati na ang color games at drop ball. Para kay Noime, walang personalan dito at trabaho lang. Sana hindi “hingi huli” itong pagsalakay ng Cavite PPO sa pasugalan ni Noime. 

• • • • • •

Mabilis ang aksiyon ni PNP chief Gen. Junaz Azurin sa pagsibak kay Lt. Col. Patrick Ramillano, ang hepe ng PNP Custodial Center sa kaso ni ex-Sen. Leila de Lima subalit malamya o wala siyang pagkilos laban sa MPD sa natuklasang 900 kilos na shabu sa Maynila. Marami sa mga kosa ko ang nagtatanong sa ngayon kung ano ang pinagkaiba ng kaso ni De Lima at sa 900 kilos ng shabu? Hehehe!  Kayo mga kosa may sagot kayo? Sa ganang akin, kung mabilis magparusa si Azurin sa kaso ni De Lima dapat ganun din s’ya sa kaso ng 900 kilos ng shabu dahil mas matindi ang tama nito sa kabataan kung naipamudmod sa kalye, di ba mga kosa? Dipugaaaaa! Inuna si De Lima dahil sa pulitika?

Ano ang kasalanan ni Ramillano? Failure of intelligence ba dahil hindi niya natunugan ang balak na pagtakas ng tatlong Abu Sayyaf? Subalit kung gawing basehan ang kuwento kung bakit nadamay si De Lima, abaaaa naging second option lang siya ng ma-hostage dahil nakita ng pangatlong Abu Sayyaf na nakabulagta na ang kanyang dalawang kasama. Get’s n’yo mga kosa? Dito sa 900 kilos ng shabu na nagkakahalagang P6.7 bilyon, abaaaa masabi din nating may failure of intelligence dahil hindi natunugan ng MPD ito. Ayon pa kay Interior Sec. Benhur Abalos ang nakumpiskang shabu ay pinakamalaki na sa history ng Pinas. Kung si Ramillano ay na-relieve dahil sa command responsibility, eh dapat nahagip din si MPD director Brig. Gen. Andre Dizon sa ganunding dahilan, di ba mga kosa? Subalit kahit patrolman o PCP commander ay walang na-relieve sa MPD. Ano ba ‘yan? Nasaan ang hustisya? Dipugaaaaa!

Hindi matutuwa si Sen. Bato dela Rosa sa kawalan ng aksiyon ni Azurin vs pabayang tauhan niya dito sa kaso ng 900 kilos ng shabu, na isa sa flagship program ni President Bongbong Marcos. Mismooooo!  Hak hak hak! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan? Abangan!

Show comments